NIKAY Hindi siya kumilos sa kanyang kinatatayuan at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Umusog ako ng higa. Habang nakapaskil ang ngiti sa labi ay tinapik-tapik ko ang kama at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Binigyan ko siya ng espasyo para dito siya mahiga. "Come here, Kuya Thaddeus. Samahan mo ako mahiga rito. And kiss me para mawala na ang sakit ng likod ko." Nag-igtingan ang bagang niya pagkatapos ko magsalita. He looked at me sharply. But at this time, I was not affected by the reactions he showed, sa halip ay naaaliw pa ako. "You're drunk, Nikay. Matulog ka na." Umalis siya sa paanan ko at lumipat sa gilid ko at kinuha ang kumot. "Tatabi ka na ba sa 'kin?" "No." "Hahalikan mo na ako?" Matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya ng balingan niya ako. "If you don't stop

