NIKAY Hindi naging madali ang mga unang araw at buwan ko sa Paris. Homesick ang kalaban ko. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa lungkot at pangungulila ko sa magulang ko. Nanibago rin ang katawan ko dahil sa klima. Nagkasakit ako ng ilang araw. Sa mga araw na iyon ay hinahanap ko ang pag-aalaga ni mommy. Iba pala talaga kapag nagkasakit ka na kasama mo ang pamilya mo dahil may mag-aalaga sa 'yo. Pero dahil malayo ako sa kanila, pinatatag ko ang loob ko, tinulungan ko ang sarili ko. May naalala rin ako ng panahong nagkasakit ako. Mayroon kasing isang tao ang sobrang nag-alala sa akin kahit hindi niya pinapahalata. Kapag tumatawag si mommy at daddy para kumustahin ang kalagayan ko ay lagi kong sinasabi na okay lang ako, na nakakapag-adjust na ako. Pero ang totoo, nahihirapan ako. Ayoko lan

