It’s the big day, at wala akong ibang nararamdaman kundi ang excitement at kaunting kaba. Ito ang kauna-unahang ball na a-attend-an ko, at sa araw din na ito ipapakilala ko na si Zendrick sa mga magulang ko. It’s already four in the afternoon at katatapos ko lang mag-ayos. Hindi na kami nag-hire pa ng mag-aayos sa akin dahil marunong si Ate Melisse rito–Kuya’s girlfriend. Since maigsi naman ang buhok ko’y hindi na ginalaw ito. Hindi rin masyadong heavy ang makeup na in-apply niya sa akin, sakto lang para sa susuotin ko. I wore a black sequin velvet split dress and match it with my black stilettos. May bitbit rin akong silver na purse na kagay ng damitko’y kumikinang din. I smiled when I saw my reflection at the mirror. I look different. Malayong-malayo sa Anchandra na kilala nila. I gu

