KABANATA XVIII

1667 Words

Habang naglalakad ako sa hallway ay napapalingon at napapangiti ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Natigil lang ako sa paglalakad nang biglang tawagin ni Zendrick ang pangalan ko. Lumingon ako sa kanya't siya nama'y patakbong lumapit sa akin. Nang makalapit siya’y muli akong nagpatuloy sa paglalakad. “Ayos ka lang?” “Oo naman. Sanay na ako kay Misty.” “Alam mo,” he paused. “Hinahangaan kita.” Napaubo ako, tila nasamid sa sariling laway. Nataranta naman si Zendrick saka mabilis na hinagod ang likod ko. Nakakahiya! “O-Okay lang ako,” saad ko habang napapaubo pa rin. “Wala ka namang iniinom pero ba’t parang nabilaukan ka?” Sinamaan ko siya ng tingin nang tumawa siya pagkatapos niyang itanong ‘yon sa’kin. Iniangat niya ang kanyang dalawang kamay habang nakangiti pa rin. No’ng kumalm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD