Itinuon ko na ang atensyon ko sa laro at hindi na pinansin si Misty. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang takbo ng utak ng babaeng ito. Bawat galaw ko ay may sasabihin siya. Bawat galaw ko'y binabantayan niya. Sa aming dalawa, siya kaya ang mas mukhang papansin. Jusko! Pumito na ang referee hudyat na dapat na silang bumalik sa court. "I love you, Ali!" sigaw ko dahilan para maghiyawan ang mga estudyante. "Mahal na mahal din kita! Ipapanalo natin 'to!" sigaw niya pabalik. Iniyugyog naman ako nina Ate Heidi at Lory dahil kagaya ng ibang mga estudyante ay kinilig din sila. Ako nama'y napapangiti na lang habang umiiling. Guess we're official in public now. No need to deny or hide our relationship. Dalawang minuto na lang ang meron. 32-31 ang scores nila ngayon. Isang puntos lan

