"Nasan pala si Spencer iha?" tanong sa akin ni Sister Luz, pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate nang kumbento. "Nag papark po nang sasakyan sa may simbahan." sagot ko. She smiled before nodded, "Ate Jeanshe!!" isang nakakabingi na sigaw ang narinig ko, pagtingin ko sa gawi nong pinanggalingan nang boses ay doon ko nakita si Kiboy na tumatakbo papunta sa gawi ko. Yinakap niya ang mga binti ko nang mahigpit, gustuhin ko man siyang kargahin kagaya nang dati ay hindi na maari dahil buntis ako at baka mapano pa itong bata na dinadala ko. "Ate, Jeanshe karagahin mo 'ko." ang nakangusong ani ni Kiboy habang ang kanyang mga kamay ay naka angat sa ere. "No, she's not allowed, Kiboy dahil baka mapano ang bata na nasa sinapupunan niya." Sabay kaming napalingon sa likod nang marinig namin a

