Rated-18 *******************†************************* Louisa's POV "Hello, Mae." Sagot ko sa tawag ni Mae. Wala akong ideya kung bakit siya tumawag. "Hoy, gala tayong dalawa." Napaisip ako. Parang ang bigat ng katawan ko. Ilang araw na akong nakahiga lang rito sa kama. Pati si Mike nga ay tinatanggihan ko. Ayoko munang magpakita sa mga tao ngayon. Iwan ko ba, parang nagbago ang lahat nong sinabi ni Alvin na hindi niya raw ako magugustuhan. Anong kulang sa akin? May pera naman ako, mayaman, sexy, masarap pero hindi na nga lang virgin! But wait, siya yata ang kumuha! "Busy ako." Giit ko. Paminsan-minsan lumalabas naman ako sa aking kwarto kapag walang tao. Siyempre kailangan kong kumain. "Ano ka ba, wala ka namang ginagawa siguro sainyo. Mag-beach tayo." Napaisip na naman a

