Rated-18 ***********************†*********************** Louisa's POV "PLEASE, if we'll get there, wag kang mag-umpisa ng gulo." Bilin sa akin ni Alvin. Napakunot-noo ko itong tiningnan habang nagmamaneho ito ng kotse niya. Sumakay lang ako sa kanya. Dahil iyon ang sabi niya kanina. "Sandali nga, ano bang gulo ang pinagsasabi mo?" Kung makapagsalita ang gago para akong basagolero nito, ha. "Because of what happened last night." Giit nito. "Ha?" Ang daming nangyari kagabi sa mansyon nila. Hindi ko alam kung alin doon ang ibig nitong sabihin. Narinig kong bumuntong hininga siya. Ito pa ang walang ganang magsabi, ito na nga ang tinutulungan para sa beauty product nila. Bwesit! "Alam mo, hindi ako mangugulo kung maayos akong kinakausap, anong akala mo sa akin, walang pinag-aralan?" K

