RATED-18 **********************†******************** Louisa's POV Pangalawang gabi na nang burol ni Daddy. May mga kaibigan siyang bumibisita. Hindi daw nila akalain na magkakagoon si Daddy. Si Mommy lang naman ang nagi-entertain dahil hindi ko sila kakilala. May ibang bumibisitang mga tauhan namin noon sa mansyon. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay naaalala pa nila ang kabatian ng Daddy. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape nang may mga pamilyar na tao ang pumasok. Napangiti ako ng makita si Rosette, si Elthon at dalawang anak nila. Lumapit ako sa mga ito yumakap, "salamat at dumalaw kayo." Ani ko sa kanila. "Pamano Tita." Ani ni Homer at nagmano ito. Sumunod naman si Veronica. "Kumusta ka na?" Malungkot na tanong ni Rosette. "Ito, medyo natatanggap ko naman." Hindi

