Rated-18 *******************†********************* Louisa's POV Naalimpungatan ako ng gising nang tumunog ang phone ko. May tumatawag, mabilis akong bumangon. "Awww!" Hiyaw ko. s**t, ang sakit ng ulo ko! Hinimas-himas ko muna iyon. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Hindi ko muna ginalaw ang cellphone ko. Pinabayaan ko nalang muna ang cellphone na mag-ring. Sobrang sakit, naparami yata ako kagabi at first time ko ring uminom. Nang medyo wala na ang kirot ay kinuha ko ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Mabilis kong sinagot nang si Mae. Hindi ko na nagawang magpasalamat rito kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Mabuti nalang at tulog na si Mommy kagabi nang ihatid nila ako kaya hindi nito alam ang nangyari. "Hello, Mae." "Ano na? Kumusta ka na?" Tanong ni Mae

