Rated-18 *********************†************************* Louisa's POV DAHAN-dahan kong inimulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may humahawak sa aking kamay. Unang kong nakita ang puting kisame. Hindi pamilyar sa akin ang kisame. Hindi ito ang room ko. Dinahan-dahan kong ibaba ang aking tingin sa paanan. Napangiti ako ng si Alvin ang nakahawak sa aking kamay. Hindi ako makapaniwalang sinabihan niya ako ng I love you kanina. Unang beses ko iyong marinig sa isang lalaki at kay Alvin pa. Pero hindi ko rin mapigilang kabahan dahil nauna na niyang sinabi kay Rosette na hindi niya ako magugustuhan. Gamit ang isa kong kamay. Dinala ko ito sa ulo ni Alvin at hinimas-himas ang buhok nito. Napakalambot niyon. Atvkung hindi ako nalunod kanina siguro'y wala kami ngayon sa aming tagpo.

