Kabanata VI

1305 Words
Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling may makita akong interesante rito na pwedeng mapag-usapan pangontra sa nakakakilabot na awkwardness— pero wala! Puro mga tuyong dahon lang na palipad-lipad at mga batang naglalaro ng buhangin sa tabi ng seesaw ang pilit na umaagaw sa atensiyon ko. Hay...pwede kaya akong magpanggap na bata muna? "Awts..." Daing ko nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. Actually, simula nang makita niya kami ni Maki sa, ehem, medyo, nakakalokang sitwasyon, ayon—ang talim na ng tingin niya. "S-Sica? Baka pwedeng bitawan mo na ang kamay ko?" Naghintay ako ng sagot pero wala siyang kibo. Napanguso ako. Dinedma niya ang cuteness ko! How dare she! Naglakas loob na akong silipin ang mukha niya. Ang seryoso pa rin nito. Mas lalo siyang nagmukhang mailap sa ganoong expression. Nakaka-intimidate. Pero hindi ko maitatanggi na mas umaangat pa rin ang ganda niya. Hay, life, why so unfair. "Umuwi na tayo." "Ha?" Parang nag-buffering yata ang mga braincells ko nang bigla siyang magsalita. Medyo nagulat din ako. Kanina pa kasi siya nananahimik, akala ko nga'y hahayaan na lang niyang mapanis ang laway niya. Hinila niya ako patayo at nagsimula nang maglakad paalis ng playground. Ni hindi niya man lang ako pinansin. Para akong batang paslit dito na katatapos lang sermunan ng magulang. Hay. Ganoon ba kalaking kasalanan na bigla kang mahalikan ng isa sa friendships mo? Pero...pero...hindi ko naman din inaasahan iyon. Bawal nga pala ang PDA. Kaya siguro gano'n yung reaction kanina ni Sica. Pero, ang oa lang. Makapag-implement ng school regulations, wagas. "Sica?" Walang sagot. "Yuhoo..." pangungulit ko pa, "Sica!" Hindi pa rin ito sumagot. Wala ba talaga siyang balak na kausapin ako? Hindi naman sa gusto ko siyang kausap pero kasi hindi lang ako sanay na ganito. Medyo nakakapraning din kasi ang pananahimik niya. "Sica—" Bigla siyang huminto sa paglalakad. At dahil nauuna siya sa akin at medyo wala ako sa focus, ay—bam—bumangga ang cute kong face sa likuran niya. "Ay, naman!" Nag-flat yata ang ilong ko. "Chloe." "B-bakit?" Bigla akong nag-panic dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Swear, para siyang nanay! "Ahe." Medyo failed na pagpapa-cute ko. Humarap siya sa akin at hinatak ang necktie ko. Napalunok ako at hindi na pinansin ang lalong pagluwag ng tie. Mas inilapit niya ang mukha. Para siyang inspector sa sobrang pagkakatitig sa akin at hindi iyon maganda sa puso ko. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil sa pabilis na pabilis na pagtibok nito. Owemdyi. Nabibingi na yata ako. "Mainit ang ulo ko," mahinang wika niya. Palihim na napasinghap ako nang pumaypay ang mainit na hininga ng babaeng ito sa mukha ko. Nakakadarang. Bumaba ang isang kamay niya sa baywang ko at walang paalam na hinapit ang katawan ko sa kanya. Napalunok ulit ako. Omg. Help! Nanginginig na yata yung kamay ko, my gas! "Sa bahay tayo mag-uusap. Maliwanag?" Hindi ako makasagot sa tanong niya. Boses, wer na u? Jeje? Tudyo ni Brainy. Uso ang magsalita. Paano nga ba magsalita ulit? Paktay kang bata ka. "Chloe." Medyo nagulat ako sa pagkakatawag niya. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Dahil nilayasan ako ng boses ko ay pagtango na lang ang aking nagawa. Dahan-dahan at malalim na nagpakawala ako ng hininga nang tuluyan na niya akong bitawan. Feeling ko, preso ako kanina. At ang tuhod ko, jelly-jelly! Nanginginig na humugot ako ng lollipop sa bulsa ko. Napakagat ako sa lower lip ko dahil hindi ko matanggal yung wrapper nito. Naman, eh! "Akin na," Bago ko pa maibigay ay hinablot na niya iyong strawberry-flavored na lollipop ko. Mabilis niyang tinanggal ang balat no'n na ibinulsa nito kaagad. Walang imik na isinubo niya iyon sa bibig ko. "Okay na?" And again, walang nagawa ang tulad ko kung hindi tumango. Nagtatago pa rin iyong boses ko. Kaiyak. -- "Sica, sabay rin pala kayo hanggang pag-uwi?" Gulat pero nangingiting tanong ni Kuya Pao nang makita itong kasama ko. Sinong hindi mapapangiti? Eh, bespren niya itong may hawak sa akin. "Aba, close na kayo, ah. Maganda iyan." Parang gusto kong mapailing. Ni hindi nga ako na-orient na close na pala kami. At saka, tingin ko, kung hindi niya nakita yung scene sa loob ng classroom, siguro hindi niya ako hihintayin sa tapat ng room para sabayan sa pag-uwi. "Kakausapin ko lang itong kapatid mo," walang buhay na sagot ni Sica. Automatic namang umarko ang kilay ni Kuya at bahagya akong tiningnan nang masama. Napaiwas tuloy ako ng tingin at nagpatay-malisya. Pero hindi ko maitatanggi na dinadaga na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Sumipul-sipol ako ngunit fail. Sad. Ngayon ko lang napagtanto, paano kung isumbong ako ni Sica? Lagot ako! "Bakit? Anong ginawa ni Chloe?" tanong ni Kuya. Akala naman wala ako rito. "It's a girl talk, Pao." Hindi na nag-react si Kuya Pao pagkatapos marinig iyon. Iba talaga ang power ng mga word na iyon. Namalayan ko na lang din na nasa sariling kwarto na ako. Kasama siya. Shems. Tahimik lang siyang nakaupo sa kama ko. Actually, feeling ko nga, siya ang may-ari ng room ko dahil ako talaga yung nakatayo sa harap niya. Para akong namamahay. Awkward na pinaglaruan ko yung lollipop sa bibig ko bago alangan na naupo sa tabi niya. "Sica, 'uy." "Chloe." Napalunok ako. "P-po?" "Ano iyong nakita ko?" Huh? "Ah, eh...hinalikan ako ni M-Maki—" Tiningnan niya ako nang masama. Halos malunok ko yung lollipop dahil sa talim niyon. Pinagsalikop ko ang dalawang palad na parang nagpe-pray at ipinagkiskis ito. "Sorry na!" "So, bakit ka nagso-sorry?" "Ha?" Bigla akong natigilan. Oo nga, 'no? "Uhm. Kasi galit ka?" Lumapit siya sa akin. Napaatras ako. "Tingin mo, bakit ako magagalit?" "Bakit mo binabalik sa akin ang tanong?" nakangusong tugon ko. Kaso walang talab. Ikaw ba naman pagtaasan ng kilay. Help! "K-kasi nilabag ko yung school ng rule?" Umangat yung gilid ng labi niya. "School ng rule?" Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-init ng mukha ko. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang hiya. Ano ba! Sa sobrang kaba ko, nagbubuhul-buhol na yung structure ng sentence ko! Naiiyak ako! Rule ng school kasi iyon! "Chloe." "B-bakit?" Sumilip ako sa kanya kahit nakatakip ang mukha. "Ibaba mo iyang kamay mo." "Eh." "I can't see your face." Okay. Nag-english na siya. Talo me. Hindi me fluent sa English. Naiiyak me. Ibinababa ko ang kamay ko. Huli na para mag-react nang mabilis pa sa kidlat na tinulak niya ako sa kama at pinangibabawan. Hala ka! Ikinulong niya ang dalawang kamay ko gamit ng isang kamay niya lang. Inalis niya rin iyong lollipop sa bibig ko. "Lollipop ko!" "Sagabal." "Lollipop!" Sinubukan kong abutin iyon pero hindi ko magawa. Ang haba ng biyas niya, nakakainis! "Lollipop!" Mangiyak-ngiyak na usal ko. "Makukuha mo itong candy mo pagkatapos nating mag-usap." Napanguso ako sa narinig. "Hindi ko naman kasi sadya, eh." "Bawal kang magpahalik sa iba. " "Sorry na nga, eh." Lalo akong napanguso. Actually, sa lollipop nakatuon yung attention ko. Kaso naalala ko si Kuya. Hala! "Huwag mo ako sumbong kay Kuya Pao, ha?" "Hmm..." Nag-beautiful eyes ako. "Plish?" "Cute." "Thank you!" Pagpapa-cute ko pa lalo. "So, huwag mo 'ko sumbong, ha? Ha?" "Sure." Ngumisi siya. Hindi ko na alintana ang naging expression niya dahil ang mahalaga ay, yehey! Safe ako! Yesh! Aymsheyp! "Thank you—" OMG. Nag-malfunction na yata ang utak ko. OMG. Totoo ba 'to? Nakita ko ang pagpikit ng mata niya. Natuod na yata ako. Naging bato? Ewan! Napasinghap ako nang sinimulan niyang igalaw ang labi niya—na nakadikit sa labi ko. Para akong mababaliw. Yung heartbeat ko, above normal na yata. Ayaw na rin mag-function ng katawan ko. Ni mata ko, hindi ko maikurap. Nakakaranas na yata ako ng stroke! Nahihilo na yata ako! Una si Maki. Ngayon si Sica. Yung second kiss ko...wala na. Naman, eh! _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD