Kabanata II

923 Words
Sumiksik ako sa unan na yakap-yakap ko. Nakakapagtaka lang na yumapos ito sa akin pabalik at mukhang mamahalin pa ang amoy. Downy lang naman ang gamit kong fabric conditioner, or siguro, nahawa na ito sa taglay kong halimuyak. Naks. "Hmm..." Napadilat ako nang matauhan sa kapraningan ko. Oo nga pala. May katabi ako. Napabuntong-hininga ako. Minsan talaga nag-u-ulyanin ako, eh. Nagmulat ako gamit ang isang mata. Dahan-dahan akong huminga ng malalim. Bakit ang daya ng mundo? Bakit mukha pa rin siyang modelo sa kabila ng mahimbing na tulog? Kainggit. Sarap niyang tusukin sa pisngi ng toothpick. Imbes na mauwi ang lahat sa inggit ay bumangon na lang ako at kinuha ang salamin ko. Napailing ako habang nangingisi nang hindi pa rin ito nagising sa ginawa kong pagkilos. Wow, tulog mantika. Sinilip ko kung nakanganga ba siya, hindi naman. May panis na laway, wala rin. Ano ba 'yan! Ang imposible naman nitong matulog, walang pangit na anggulo. "Hmm, maganda ba?" "Oo," mabilis at medyo wala sa sariling sagot ko. Nanlaki ang mata ko nang ma-realized na hindi ang isip ko ang nagtanong. Pansin ko ang nagmamayabang na ngiti ng babae. Pinandilatan ko siya ng mata. "Hoy, Sica, kapal ng face mo." "Wala namang manipis," pilosopong sagot niya, "At kahit itanggi mo, alam kong nagagandahan ka sa akin. Tama?" "Mali. Tapyasin ko 'yang mukha mo, eh." Tumayo na ako't dumiretso ng banyo. Si Doraemon naman ay mabilis na sumunod sa akin at nahiga malapit sa tabi ko. -- Umalis na rin si Sica nang hindi man lang nag-agahan. Ano pa nga bang gagawin niya rito, eh, pumasok na si Kuya sa work niya. Yung kapatid ko lang naman na iyon ang reason kung bakit madalas ang pagtambay nito rito. At isa pa, pare-parehas kaming may mga pasok sa school. Pagkatapos kumain at pakainin si Doraemon ay naghanda na rin ako dahil mabu-bully ako ng mga kaibigan ko na palaging nagpaplanong sakupin ang Earth. Idol daw kasi nila ang Timraket. Mga baliw. Nang matapos ako sa pagbuhol ng necktie─na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga gamay─ay mataman kong tiningnan si Doraemon. Nakaawang ang bibig nito, lawit ang dila, bahagyang hinihingal, at pakawag-kawag ang buntot habang nakatingin sa'kin. Mukhang nakipag-away na naman 'to sa mga butiki na naligaw sa sahig. "Doraemon, katulad ng dati, magbabantay ka. Maliwanag?" Sinagot ako nito ng malakas na pagkahol. Satisfied namang ngumiti ako. "Good. Huwag mong hahayaang may makapasok na kung anu-anong elemento rito." Kinuha ko ang lollipop at sinubo sa nang matanggal ang wrapper nito. "Toodles!" -- "Mga baks, si Bulag, nandito na!" Bungad sa akin ng isa sa mga kaibigan ko. Mga utu-uto naman silang nagpalakpakan at nagbatukan. Nasanay na rin naman ako sa kanila. Normal na rin na tinatawag akong bulag dahil na rin sa nagmamaganda kong salamin na color pink. Siyempre, maganda ang may-ari. Pero hindi naman kasi ako bulag, malabo lang talaga ang paningin ko. At isa pa, pare-parehas lang naman kami rito na may diperensya sa pag-iisip, iyon nga lang, ako ang nananatiling pinakamatino. Oh, 'di ba? Sa aming magkakaibigan, ako ang reyna! "Magbunyi!" Sigaw ni Terrence at mistulang mayordomong sumenyas sa iba pa. Ang taray ng pagpilantik ng daliri ng bakla. "Awoo! Awoo!" Mala-Spartans na pagbubunyi nila. "Pakopyang asaynment!" Napailing na lang ako. Bago pa ako makasagot ay naharbat na nila ang bag ko at walang habas na inilabas ang pakay nila. Sa huli ay iniwan nila ako't hindi na pinansin. Umupo ako at napailing na lang ulit. Alam ko namang may mga utak sila kahit na papaano pero kataka-takang ako ang takbuhan nila kapag nangangailangan sila sa intelektuwal na usapin. Intelektuwal ho talaga, Miss? Sabat ni Braincell no. 2. Tse! Mula sa bintana ay sinilip ko ang school ground na tanaw mula rito. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao na nakatayo sa labas. Matangkad ito, balingkinitan, may dark brown at maalong buhok na halos nangingintab gawa ng silahis ng araw na tumatama roon—si Sica Cabrera. Okay lang naman sana kung trip lang nitong magbilad o tumambay sa gitna ng field pero, ang hindi ko matanggap, ay kung bakit parang nakatingin ito sa akin. Inayos ko yung salamin ko at pinaliit ang mata ko, at—bam—nakatingin nga! Parang may kung anong gumapang sa katawan ko sa paraan ng pagtingin niya. Kahit malayo, malinaw sa paningin ko kung paano tumitig ang mata nito. Malalim, parang may hinahanap. Okay na sanang sinisilip ko siya mula rito, eh. Siya ang magandang view at background music ko ang maingay na mga kaklase kong hindi nawawalan ng pinaglalaban sa buhay at ang mga kaibigan kong nagbabangayan na sa kung sino ang unang kokopya sa assignment. Pero gano'n na lang ang naging kabog ng dibdib ko nang unti-unting gumuhit ang isang mapanuksong ngiti mula sa magandang tanawin ko at kumaway-kaway pa. Dang! "Si Miss Sica, oh!" Ang kaninang abalang mga estudyante ay mabilis pa sa alas-cuatro na dinumog ang kabuoan ng bintana—kulang na nga lang ay tumalon sila mula rito. "Eeh," irit ng isa, "nginitian niya 'ko!" Hala, sa kanya raw. "Ako!" Isa pa 'to. "Gals, ako 'yon!" Hay, naku. Napailing na lang ako. Pati mga kalahi ni Eva ay nahuhumaling na rin sa alindog at kagandahan niya. "Hi, Miss Sica!" "How to be you po!" Hala ka. Mga nasiraan na nga talaga. Hindi na ako nag-abala pang sumilip muli sa magandang tanawin. Wala, eh, crowded na. Mula sa bag ay hinugot ko ang pinakamamahal kong lollipop. Yum! _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD