Chapter 36

857 Words
Sophia Laurel felt the weight of Monday looming over her like a dark cloud. Ayaw niyang harapin ang araw na iyon dahil alam niyang bubulabugin siya ng mga usisero sa unibersidad. Gusto niyang umiwas sa lahat, sa kahit kanino, para hindi siya masiraan ng ulo. Si David Horan naman? Wala. Ni anino nito ay hindi nagpakita—tila iniligtas lamang ang sarili nito sa gulo. Hindi niya alam kung susuportahan siya ng mga fan nito o mas lalo pa siyang kamumuhian dahil sa titig pa lang ng mga ito nang bumaba siya ng kotse, tila gusto na niyang maglaho. Napatigil si Sophia, nanginig ang mga kamay habang hinahawakan ang strap ng bag sa kanyang balikat. Bigla siyang binalikan ng katotohanan nang may tumawag sa kanya. "Hello, Sophia!" "Ahh... Hey!" mabilis niyang sagot habang kumakaway sa isang binatilyong napadaan. His voice sounded friendly, pero kinabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari. "Isn’t that her?" "Wow, she’s so pretty! I like her." "I think she looks cute." Maraming boses ang narinig niya sa paligid. May mga ngumiti sa kanya, at may ilan pang nagtutulakan sa hiya. Hindi pa nga niya sila sinisindak pero parang pulang-pula na ang mga pisngi ng iba. Dahil dito, hindi niya kinaya ang tingin ng mga tao kaya napilitan siyang tumakbo palayo. Pero hindi pa rin siya tuluyang nakawala. Pagdating niya sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kaibigan, napapalibutan ang mesa nila ng sampung senior na babae. Naisip niyang magpanggap na umiiyak para kaawaan siya ng lahat, pero wala siyang lakas na gawin iyon. “Finally! Sophia is here!” agad na lumapit sa kanya ang isang senior at halos kinaladkad siya papunta sa mesa. Pagkaupo niya, nagpakawala ng mabilis na ngiti sina Kath at Yvonne. "Are you and David dating?" tanong ng isa, diretso agad sa punto. "No, we’re not po. Friends lang kami," mabilis niyang sagot. "But David likes you. Is that true?" "I don’t know." "So nanliligaw ba siya sa’yo ngayon?" "I’m not sure. Bagong close lang kami." Pakiramdam niya ay parang superstar siyang ini-interview ng media. Oo na, maganda siya, pero hindi ba dapat huminahon naman sila? "Can I ask some more?" "Yes, you can." "Does Miss Sophia have a boyfriend?" "No." "Do you have someone you like?" "..." Tumahimik siya, nagkunwaring nag-iisip habang iniikot ang mga mata. Gusto niyang sabihin na meron, pero natatakot siyang idamay pa ang lalaking iyon, lalo na’t hindi naman sigurado kung may patutunguhan ang namamagitan sa kanila. Sa totoo lang, pakiramdam niya’y nawala na ang lalaki sa eksena simula nang ma-stuck siya kay David. "I’ll take that as a no. Then, I’ll ask again." "Go ahead." "Do you like David?" "I..." Natigilan siya. Paano ba sasagutin ito? Kung oo ang sagot niya, mas marami pang tanong ang bubulaga sa kanya at baka patayin pa siya ng mga seniors. Kung hindi naman, baka si David mismo ang magdala ng problema. Hindi niya alam ang gagawin kaya yumuko na lang siya at nanahimik. Kita niya ang pag-aalala sa mukha ng kanyang mga kaibigan kaya pasimpleng nagkakalabit ang mga ito, tila naghahanap ng paraan para mailigtas siya. Hanggang sa biglang nagsigawan ang mga tao nang may dumating. “David, come here!” Biglang bumukas ang daan, at si David Horan ay papalapit na sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito, at ang unang sinabi nito sa kanya ay nakapagpatigil sa mundo niya. “Hey, Sophia, why didn’t you pick up my calls?” Pakiramdam niya’y gusto niyang ipaalala kay David na nasa harap sila ng maraming tao, pero mukhang wala itong pakialam. “My phone is in my bag,” sagot niya nang walang emosyon. "Then what’s happening here? Is there another Adie concert?" tanong ni David, na tila ba walang problema. "No. I’m just chatting with the seniors," sagot niya, umaasang hindi na maghihinala pa si David. Pero bago pa niya maintindihan, bigla itong nagsalita ulit. "Then I want to listen." "Finished na! Go away!" binulalas niya, ngunit tila hindi ito umubra kay David. “We just stopped by and asked Sophia a few questions,” sabi ng isang senior. Tumingin si David dito nang bahagyang nag-iba ang ekspresyon. “About what?” “It’s about you, David Horan.” “Then ask me directly.” Nagulat ang lahat sa sinabi nito, lalo na si Sophia. “Are all the pictures on i********: posted by you?” “Yes, some were posted by me, and some by my friends.” “How about the Adie concert photos? Did you post those?” “Yes, I did.” “So, nililigawan mo na ba siya?” "Uhm." "Are you also a Adie fan?" “No,” sagot ni David habang nakatitig kay Sophia. “I’m a fan of The Ben&ben and COJ.” Kung ano man ang dahilan ni David sa mga sagot niya, hindi na naiintindihan ni Sophia. Ang huli niyang narinig ay ang sagot ni David sa tanong kung magka-date ba sila. “No. But if we are officially dating, I will let you know.” Pakiramdam niya’y sasabog na ang puso niya. Ano na naman ‘to, David?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD