C3

1490 Words
MALALAKI ang hakbang na tinungo ko ang conference room, kung saan sinabi ni Jessica na kasalukuyang nag-attend ng meeting si Dave. Babalik na'rin naman ako sa pilipinas at siguradong wala na akong trabahong babalikan doon bakit hindi ko pa lubos lubusin diba? Nandito narin naman ako bakit hindi ko pa tapusin?! Akala mo kung sino! "Ui, Carren, baka lalo kang mapahamak sa ginagawa mo," nahimigan kong sabi ni Jessica na nasa likuran ko lang. may bahid na takot sa boses nito, na hindi ko maintindihan kung ano ba ang ikinakatakot niya sa Dave na iyon. He's a Prince for crying out loud! hiyaw ng isip ko. Ok, he's a Prince and so what? dapat ba katakutan ang isang iyon dahil isa lang siyang prinsipe? Nang natanaw ko na ang conference room ay mas lalo kong binilisan ang paghakbang. Naramdaman ko ang paghawak sa'kin ni Jessica sa braso dahilan para huminto ako at tumingin sa kanya. "Huwag mo ng ituloy please, kung pamasahe lang ang problema mo papahiramin kita." nag-aalalang sabi nito. Nagbuga ako ng hangin. Isang araw palang na magkakilala kami nito pero alam kong mabuti siyang tao, pero nandito na ako, aatras pa ba ako? "You should go now, kaya ko na ang sarili ko dito." bahagya ko siyang nginitian. "Baka madamay ka pa." dagdag ko. Magsasalita pa sana ito pero tinalikuran ko na siya. Humugot muna ako ng hangin bago walang ano-ano ay padarang kong binuksan ang pintuan. Five men inside the room welcoming me. Halatang nahinto ang pag-uusap nila at takang natuon ang pansin sa akin. s**t! Parang gusto ko ng magsisi sa ginawa ko pero huli na ang lahat kung aatras pa ako. Kunot noo at matatalim ang tingin ni Dave na binigay niya sa'kin pero tinumbasan ko iyon. Humakbang ako papasok sa loob at lakas loob na dinuro siya. "You!" pero hindi manlang natinag at tinaasan lang ako ng kilay. "You again? Did I already told you to get out of my hotel? or you're just a stupid and idiot woman who cannot follow a simple instruction?" sabi nito na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Talaga naman! "Ok, you want me to get out of your hotel? then fine! Akala mo kung sino ka, prinsipeng hilaw!" bulyaw ko sa kanya. nanlaki ang mga mata nito. Bleh! ano ka ngayon?! Ang natural na tingin nito ay lalong tumalim, his grey eyes went darker. Sinundan ko ang marahang pagtayo nito kaya ngayon ay naka tingala na ako sa kanya. "What did you just called me?" parang gusto akong lamunin ng boses nito kulang nalang sakalin na niya ako. Ngumisi ako. "Oh, I forgot! You can't understand that. I said prinsipeng hilaw!" Napatingin ako sa mga kasama nito na halatang nagpipigil ng tawa. Pero bakit? Muli akong napatingin kay Radhara na matalim parin ang tingin sa'kin. "Tinawag mo akong prinsipeng hilaw?" my eyes went wide in shock. Ano ito? papaanong... "P-papaanong..." Patuya niya akong nginisian. "Surprise! writer ka ba talaga? If you are you should know who I am, miss who ever you are!" doon na tuluyang tumawa ang mga lalaking kasama nito na hindi nalalayo ang edad sa kanya, isa pa na mga kwapo din ito. "Tama lang pala talaga ang ginawa ko na hindi ka na isama sa public interview ko, because you know? You are nothing and useless writer." sabi nito na lalong ikinainit ng ulo ko. "Aba't- hoy sumosobra ka na huh! Akala mo kung sino ka! Kung alam ko lang na pangit yang ugali mo na kasing pangit ng mukha mo edi sana hindi na ako pumunta sa public interview mong ek ek!" singhal ko sa kanya na ikinamula ng muka nito dahil sa galit. "Wooh!" duet ng apat na lalaki. Tumaas ang daliri nito at dinuro ako. "If I were you, umalis ka na dito bago pa kita ipakaladkad palabas ng hotel ko!" tiim bagang sabi nito na tinuro ang pintuan. "Hindi mo ako kailangan utusan dahil kusa akong aalis dito! Huwag kang mag-aalala dahil magaling akong writer isusulat ko ang basura mong ugali, walang labis walang kulang!" sabi ko na sinenyasan siya ng eye to eye. Humakbang ako palabas ng kwarto at malakas na isinara ang pintuan. Kung ano man ang kalalabasan nitong ginawa ko ay haharapin ko. PINAHID ko ang luha ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa luob ng maleta. Sobra talaga sa pangit ng ugala yang Radhara na yan, akala mo kung sino na talaga! Sinugod sugod mo tapos paiyak iyak ka ngayon at dinagdagan mo lang kasalanan mo! Paano ka na ngayon niyan?! Kung kaya humingi ka ng tawad? Ani ng isip ko. Hihingi ng tawad? Para ano pa, pagkatapos niya akong lait-laitin? Ibaba ko naman masyado ang sarili ko nun. Nang matapo ako sa ginagawa ko lumabas na ako ng kwarto. Pero saan ako pupunta nito? Sa susunod na araw pa ang flight ko pabalik sa pilipinas at magkano nalang yung pera na ibinigay sa akin ni ma'am Emily. Bahala na! Paglabas ko ng hotel sa gulat ko na may kung anong nahulog mula sa ulo ko. Nang kapain ko iyon at tingnan, isang shell ng itlog! Hindi iyon nahulog kundi sinadyang ibato sa akin! Lumingon ako sa magkabilang gilid at doon ko nakita ang sampong kababaihan na palapit sa akin, may kanya kanya silang hawak na itlog at kung ano pa na pwede ibato sa akin. Napaatras ako pero may kung sino ang tumulak sa'kin pabalik. At ngayon ay napapalibutan na ako ng mga ito. "Who you think you are?" Tanong ng isang babae na may hawak na baseball bat. Wait plano niya bang gamitin iyon sa akin?! Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "W-wait I-" hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin nang ipukpok sa ulo ko ang isang itlog at sinundan ng isang kamatis at kung ano pa. "Please enough!" Pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginaganito, wala naman ako ginagawa sa kanila! Pero may nakikita akong dahilan kung bakit nila ito ginagawa, its about Radhara! Hindi kaya inutos ng hambog na iyon na pahirapan ako at makita akong luhaan! Hindi ako iiyak kung yun ang gusto niya, pagbibigyan ko siya pero hinding hindi ako iiyak! Pinagsusuntok at pinagsasabunutan nila ako ng wala tigil, kahit na sumasakit na ang ulo at katawan ko binding hindi ako iiyak at magmamakaawa! Hanggang sa napangiwi at napapikit ako dahil may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulohan ko, nang lingunin ako ang may gawa ay yung babaeng may hawak ng baseball batt! Naramdaman ko nalang na may pulang likido ang dumaloy sa pisngi ko at sa mata ko na ikinalalabo ng paningin ko. Nakita ko na muling tumaas ang hawak nitong baseball batt para ihampas ulit sa akin. Napapikit ako ng madiin, hinihintay ang pagtama niyon kung saan pero hindi iyon nangyari. Marahan akong dumilat at tiningnan yung babae. Takot na takot ang itsura nito ganu'n din ang iba nitong kasama habang nakatingin sa likod ko. Sinundan ko ang tingin nila, nagulat ako nang makita ko si Dave sa aking likuran at hawak nito ang baseball batt na tangkang itatama sa akin. Nililigtas ba niya ako? Inagaw nito sa babae ang baseball batt at itinapon kung saan. Tinapunan nito ng tingin ang grupo na natakot naman at kumalipas ng takbo. "What the f**k! Hindi ka ba marunong lumaban?!" Inis na sabi niya at hinila ako palayo. "You should fight back, hindi ba matapang ka?!" Hindi ako dapat basta maniwala sa kabaitan na pinapakita niya dahil alam ko ginagawa niya ito dahil natatakot ito sa kung anong pwede kong ilabas na article patungkol dito. "Ito naman ang gusto mo diba? Then why are you helping me?!" I yelled at him, kuway pinalis ang kamay nitong nakahawak sa mga balikat ko. "Don't act as if you care." "For your information im not helping you! Ayoko lang na magkaroon ng kaguluhan at ako pa ang masisi dahil nasa harapan kayo ng hotel ko!" luminga ako sa paligid at marami na ngang nakatingin sa amin. "Wow great! Edi pabayaan mo ako,hindi ko kailangan ng tulong ng isang mayabang na katulad mo!" Inis na sigaw ko sa kanya. Nangunot noo nito at tumaas ang isang kilay. "What did you just say?" Sasagot pa sana ako nang kumirot bigla ang ulo ko kaya agad ko iyong nasapo at muntikan ng mawalan ng balanse pero naging maagap si Radhara na agad akong nasalo. Umiling iling ako at pilit ko parin kumakawala mula sa pagkakahawak niya. "O-ok nga lang ako..." I lied. Masakit na masakit na talaga ang ulo ko. "No your not, sumakay ka na at dadalhin kita sa hospital." "You don't have to. W-wala akong pera, pahinga lang ang kat-" "Shut up! Just get inside in the f*****g car and stop talking!" He command. Sasagot pa sana ako pero taksil ang katawan ko na pinagkalulo ako sa matapobreng lalaking ito. Bumigay ang katawan kong napasandal sa kanya at tuluyan ng nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD