Klode's P.O.V.
Hiyawan, sayawan at malakas na tugtog ang bumubuo sa isang silid ngayong gabi kung saan lahat ay nagla-lasing dahil kaarawan nga ng boss namin. At na pag-pasyahan niyang mag rent ng isang bar para saaming grupo ng mga vloggers, editors at sa mga malalapit sakanyang kaibigan. Private naman to kaya safe kaming lahat tsaka naka swab test lahat.
Madaming shawty pero ayuko na muna diyan at sinusulit ang araw na ito para sakin lang.
ALL I DO IS WIN, WIN, WIN NO MATTER WHAT(WHAT)
GOT MONEY ON MY MIND, I CAN NEVER GET ENOUGH(ENOUGH)
AND EVERY TIME I STEP UP IN THE BUILDING
EVERYBODY HANDS GO UP
Napansin kong sabay-sabay na nag hiyawan ang lahat na naka rock 'n roll sign pa ang aming mga kamay na itinaas namin sa ere.
"PUTANGINA!!! ALAK PAAAA!!!!"
Natawa naman kaming lahat after na mabigkas yun tsaka ako napalingon sa mga kasama ko dahil nagsigawan sila ng "cheers" at sa hindi inaasahan ay napako ang aking paningin sa isang babae na siguro mas bata saakin o saamin pero ano naman diba? Hindi ko susuwayin yung sabi ko sa sarili ko no.
"Hoy Klode ano, daming chix oh! Pagkakataon mo na to pare" biro saakin ni Mervin
"Pass tol, Para sa sarili ko na muna tong gabi na to"
Nag-aya pa yung iba na maglaro at ang consequences ay iinom ng isang shot.
"Ayan na ba yung scholar nina kuya Coln?" tanong saakin ni Kuya Kaleb.
"Oo tol, kararating lang, sinundo namin siya kanina" sagot naman ni kuya Miguel.
Karamihan sakanila ay mga mas matanda saakin kaya parang mga kuya at mga ate ko na rin sila.
"Mukhang maganda a" sabi naman ni kuya Blake, kapatid ni kuya Miguel.
"Gago ka utol, wag yan bata yan" natatawang binatukan ni kuya Miguel ang kanyang kapatid.
"Anong grade na ba yan kuya?" Tanong ko naman sakanila
"Grade 11 na daw" sagot ni kuya Miguel sa tanong ko.
Si kuya Miguel kase ang driver dito saamin kaya medyo may alam na siya at baka naka kwentuhan na niya kaninang sinundo yung scholar nina kuya Coln.
"Hindi halatang she's grade 11 mah friends" sabat naman ni Jace. Totoo nga siya, hindi nga halata dahil ang liit e, parang nasa Grade 7 palang yung height.
After naming pag usapan yung scholar ay napag alaman kong sa bahay naming TP(Team Payaman) House or (Payamansion) siya titira.
Isa akong Editor sa TP, minsan pag walang yung editor ng isang miyembro saamin, ako ang pumapalit pansamantala. Okay naman kase after ng page-edit makukuha mo na agad yung sweldo mo dahil iba-iba naman mga contents nila, kaya tig-iisa sila ng editors.
Si kuya Lincoln talaga ang bumuo sa grupo na Team Payaman kaya parang siya ang head ng grupo. Sinama niya mga kapatid niya hanggang sa parang naga adopt nalang siya ng mga kasama niya.
Tutulongan niya itong mag grow hanggang sa makasanayan nung isang tao yung ginagawa niya at isa ako sa mga natulongan niya.
Marami kami actually, nagiging madali sakanila yung mga gawain nila pero ang mahirap lang ay ang mag isip ng ico-content nila.
Lahat kami ay nakatira sa iisang bahay na tinatawag ng lahat na Payamansion at may sariling playhouse din kami. Kaya minsan pag walang ginagawa or pagka tapos mag-edit sa playhouse ang tambayan namin.
"Uyy Klode!! Si Cristal, yung scholar ni ate Via at kuya Coln" pagpapakilala saakin ni ate Kat kay Cristal saakin.
"Ay oh, hello" natatarantang sambit ko tsaka ako nakipag kamay sakanya. Ngumiti lang siya kaya lumabas yung dalawa niyang malalalim na dimples.
Sina ate Via at kuya Coln ang big boss dito saamin, yung mga nagtatrabaho under kay kuya Coln ay sagot niya lahat, at ganun din kay ate Via.
Sa TP House may mga mas matanda, may mga mas bata pero minsan parang tropa-tropa lang kami na hindi na nagkukuya o ate pero kadalasan naman ay naggagalangan kami, nagmumurahan nga lang.
"Kami Kat hindi mo ipapakilala?" biro ni kuya Bryce sakanya
"Tanga kilala na daw niya tayo, siyempre fan to tanga neto. Halika na nga lang Cristal sa kabila tayo" Nagpaalam naman sila ng maigi na iikot pa sila at tango nalang ang isiangot ko sakanila tsaka nginitian.
"O pare, she's beautiful ha" aliw na sabi ni Jace
"Gago baka ma child abuse ka" biro naman ni kuya Miguel sakanya kaya nagtawanan kami. Napa iling nalang ako sa mga kalokohan nila.
Tuloy-tuloy ang party hanggang mag-alas kwatro na ng umaga, pero natigil na kaming uminom kaninang alas dos palang, nagpa baba lang ng tama kase yung iba magdi-drive pa.
"Uy saamin ka ba sasabay?" tanong ni kuya Mervin saakin
"Kaninong sasakyan ba kuya?"
"Kina kuya Coln" yung Van kase at Lincoln navigator ni kuya ang gamit ng iba kanina. Hindi naman kalayuan ang TP House dito sa pinag party'an namin.
"Sabay ka sa Van Klode?" Tanong naman ni kuya Miguel sakin
"Oo kuya" sagot ko sakanya tsaka ako tumayo at inayos ang sarili at aking mga gamit.
"Tara na, may pupuntahan pa kami mamaya" paga-aya niya saakin kaya tumango nalang ako tsaka nag ayos ng gamit para maka alis na kami, may mga nagu-uwian na rin.
Pagka labas namin ng parking lot at nagsimula na silang magreklamo kung saan sila pu-pwesto.
"Kami diyan! Ladies First kase napaka ungentle man niyo naman" sigaw ni Ate Kat sakanila dahil may mga pumasok na sa Van.
"Hindi naman kami si Psy para mag gentle man" Biro ni kuya Blake sa nililigawang dalaga na si ate Kat.
"Uy gago wag mong jinojoke joke si Kat ng ganyan baka busted'in ka niyan." sigaw ng isa sa likod.
"Ano joke-joke ka pa jan ha, busted ka sakin ta'mo"
"Bilis na, inaantok na ako" angal ni kuya Jeremiah sakanila.
Naunang pumasok si kuya Blake sa Van tsaka naman sumunod si Ate Kat at yung si Ms. Scholar. Pina-una ko na silang lahat na maka pasok hanggang sa ako nalang natitira sa labas.
"Angas ha, parang nakakahiyang sumakay ha" pabiro kong sabi sakanila.
"Just sit beside Ms. Cristal, Klode" suggest naman ni kuya Jace saakin, ano pa nga ba magagawa ko diba?
"Siyempre, wala akong choice e. Dini-diskriminasyon niyo ako dahil mapayat ako! mga diablo" biro ko sakanila tsaka ako sumakay sa may harapan at sa tabi ni Cristal, pagka upo ko ay sinara ko na yung pintuan ng van tsaka nilock.
Ramdam ko ang lamig ng simoy ng aircon sa dito sa loob ng sasakyan.
"Lamig naman, pa hug" rinig kong sabi ni kuya Blake kay ate Kat at parang niyakap nga ng binata ang dalaga. Naramdaman ko naman umusog papalapit saakin si Cristal na parang nahihiya kina kuya Blake at ate Kat, kaya umusog ako ng kaunti at nag tiis sa inu upuan ko hanggang sa makarating kami ng bahay.
Nauna akong bumaba pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pa ako nag stay sa may bukasan ng Van e wala na naman akong naiwan? siguro bobo lang talaga ako.
"Ay bobo" mahinang saad ni Cristal ng pababa na siya ng Van ay natapilok pa ata siya, pa simple niyang hinilot ang kanyang ankle tsaka naghintay sa kabilang side ng pintuan nitong Van.
"Let's go mah friend" akay saakin ni Jace kaya sumabay nalang din ako sakanya tutal magkaka room naman kami.
Dito sa TP House ay sa isang room naka anim o apat na tao na naka base sa laki ng kwarto, siyempre kung mas maraming tao, mas malaki ang aircon.
"Ugh good night my friends, we will gonna edit the videos tomorrow pa" antok na sabi ni Jace, nag tanggal lang siya ng sapatos tsaka na ito humiga sa kanyang kama. Karamihan saamin ay naka double deck kaya wala kang takas na gumawa ng kababalaghan dito.
Naligo muna ako tsaka nagblower ng buhok sa cr namin sa kwarto. Pagka labas ko ng banyo ay nakahiga na silang lahat, yung iba nagce-cellphone;yung iba ay mga tulog na.
"Matutulog ka na Klode?" Tanong ni Kuya Brayden saakin nang makita niya akong paakyat saaking kama.
"Oo kuya, Good night" tumango naman siya bilang sagot.
Umayos na ako saaking kama tsaka napatitig sa kisame ng aming kwarto, nang napapansin kong nagpaparamdam na si antok saakin ay pinatong ko na ang aking kanang kamay saakin ulo tsaka hinawakang naka handusay ang isa kong kamay, at handa na akong matulog;handa na akong tapusin ang araw na to at handa na akong harapin ang mga mangyayari kinabukasan.
Cristal P.O.V.
"Oh dito ang kwarto mo. Hindi ka naman matatakotin ano? mag-isa ka lang dito, okay lang ba sayo?" Tanong ni ate Kat nang makarating kami sa ikalawang palapag ng bahay na hindi basta-bastang bahay lang, kundi MANSION!! AT ANG MALUPET KASAMA PA ANG TEAM PAYAMAN!!
"Okay lang ate, kaya ko sarili ko" pang a-assure ko sakanya kase baka mag-alala siya sakin.
"Oh siya sige sabi mo yan ha, sa kabilang kwarto lang ako. Pero tong katabing kwarto ay kwarto ng mga ibang boys." Pang tu-tuor nito saakin sa ikalawang palapag ng bahay.
"Sabihan mo lang ako pag may kailangan ka ha? Pero bukas wala ako dito baka nasa opisina ako" tumango naman ako bilang tugon, Unang araw.. Ay hindi unang gabi pala kase alas kwatro na.. Ay hindi sige—- unang madaling araw ko dito...Basta yun, Pwede na yan..
Unang araw/gabi ko palang ngayon pero parang kabisado ko na ang bahay dahil sa pagsubaybay ko ng vlogd ng Team Payaman.
Grabe, hindi ko ine-expect na ako ang papalarin para dito.
Paano nga ba ako napunta dito??? Well.. Dahil, isa lang naman akong anak ng mafia boss.. Charizzz. Siyempre joke lang, isa lang akong hampas lupang pakalat-kalat sa mundong ito.
"Papano na kaya ngayon yan nak? Jusko sana hindi na kita pinagbakasyon diyan kina Tita mo, mahihirapan ka tuloy umuwi" pagrereklamo ni mama habang nagvivideo call kami.
"Hay naku ma kahit ilang reklamo mo pa diyan wala na tayong magagawa, hindi naman natin inaasahan na magkaka virus pala" oo.. totoo. VIRUS! pisteng Virus.
Gusto ko lang namang magbakasyon!! Bat naman biglaang may virus na kumakalat, nag lockdown tuloy!! Tapos nagka-quarantine pa.
"Paano ngayon pag-aaral mo?" Alalang tanong ni mama. Wala naman daw siyang pake sakin kahit hanggang kailan ako dito, naga-alala lang siya kase hindi ako makakauwi at baka may pasok pa.
"Okay lang ma, sabi naman ng school namin na pansamantala munang close yung school namin, edi kung kailangan o biglaan, edi isa-sakripisyo ko nalang na umuwi" pagpapagaan ko ng loob ng aking nanay.
"O siya sige anak, ingat kayo diyan ha. Andito na papa mo galing silang bukid nanguha ng bisokol" pagpapakita ni mama saakin si papa na halos lahat na ng parte ng kanyang damit ay sinasakop na ng putik.
"Hay naku papa, sabing huwag munang magpapa-araw baka mabinat po kayo" panenermon ko naman sa papa ko
"Asus binat-binat, wala yan sakin! Sa poging kong to? Mabibinat ako? Aba dapat mahiya yang sakit saakin kase pogi ako" pagmamayabang niya
"Ewan ko sayo, o siya sige na anak, magluluto muna ako, ingat kayo ha" pagpapa-alam ni mama saakin. Nang maibaba ko na ang aking telepono ay binuksan ko ang TV dito sa sala nina tita.
Dadalawa lang kami ng pinsan ko na mas bata saakin pero ngayon ay natutulog ito saaming kwarto kaya mag-isa lang akong nandito sa baba.
Mahirap lang kami at sa pag tatrabaho ni papa sa bukid at pagtitinda ni mama sa munting tiyanggi namin kami kumukuha ng aming ikabubuhay kaya medyo natatakot akong mag college kase hindi ko alam kung makakaya pa ng parents ko yung tuition ko at nasa ika-siyam na o third year high school na ako.
At ngayon ay nahaharap kami sa isang Virus na nakakamatay, na ewan. Nakaka takot din kase puro virus ang headline ng mga news ngayon.
Malakas pa naman ang mga magulang ko pero siyempre hindi parin maiiwasang magkasakit. Iilang beses palang nagkakasakit ang aking mga magulang pero grabe kung magka-sakit sila.
Kagaya nalang ang nangyari saaking papa, naka kain siya ng gulay na may inispray pala doon kaya itinakbo siya nina mama papuntang hospital dahil hindi na daw kaya ni papa yung sakit ng tiyan niya at hindi na rin siya maka-kain ng maayos. Akala ko nga noon katapusan na niya e, pero salamat sa diyos ay gumaling naman ang aking tatay at ngayon nakakapag trabaho nanaman.
Mabalik tayo sa Virus, ang sabi ng news isang buwan lang, mawawala na.
Hanggang sa umabot ng limang buwan.
Limang buwan?!?!? OO LIMANG BUWAN!
Limang buwan na ang nakakalipas at sabi ng aking nanay na dito nalang ako magtutuloy ng aking pag-aaral pansamantala, at sabi naman ni tita kung meron siyang extra bibigyan naman niya ako ng pera pero sabi ko wag nalang kase nakikituloy na nga ako dito sa bahay nila ng libre tapos bibigyan pa ako, naku huwag na po.
Pinadala na ng aking mga magulang iyong mga kailangan ko at inenroll ako ng aking tiyahin sa paaralan kung saan nag-aaral ang pinsan ko na mas bata saakin, ako nasa Grade 10, siya nasa Grade 9.
Naging maayos naman ang aking pag-aaral at medyo natulongan naman ako ni Google dahil kami ay nagmomodule lamang at takot parin sa virus, na hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos.
Hanggang kailan nga ba?
"Hoy ate iopen mo yung TV tsaka mo iopen yung youtube manonood tayo ng Team Payaman may bagong announcement sila ngayon" Excited na bigkas ng aking pinsan na si Issabella pero ang tawag naman sakanya ay Issa.
"Ay meron na ba? Ang aga ha"
Team Payaman isa sa mga sinusubaybayan ko simula nung grade 7 palang ako. Nakaka inspire kase sila, alam mo yung hirap ng dinanas nila na nagtutulong tulong sila, ngayon nasa taas na sila gaya nga ng isang miyembro nila "we started from the bottom, now we're here" SOLID GRABE!