Sa pag-aalala ni Gio, sinundan na niya ang kaniyang ina na si Celeste patungong parking area kung saan naroroon ang kanilang sasakyan.
Sa halip na tuwa at galak ang maramdaman ngayon ni Gio dahil sa nabili niya ang gadget na gusto niya at sa pagsama sa kanya ng kaniyang ina, kaba at takot na ang bumabalot sa puso nito.
Dali-dali niyang hinanap ang kanilang sasakyan at sa kalauna'y natagpuan niya rin ito.
Habang papalapit si Gio, isang ingit ng babae ang nauulinigan niya na nagmumula sa loob ng sasakyan.
Lalong nanlamig si Gio sa narinig at naramdaman niya. Gusto niyang buksan kaagad ang pintuan ng sasakyan ngunit pawang may pumipigil sa kanya.
Lalo siyang nagtaka, ng boses na ng lalaki ang narinig niya.
GIO's POV
Sino kaya yon? Boss kaya iyon ni Mama? O baka naman sumunod si papa?
Gulong sambit ni Gio sa kaniyang isip.
Tila umuungol na ang babae na nasa loob, na pawang may ginagawa silang kahalayan sa loob ng sasakyan.
Nagpakamanhid si Gio.
Ibinaba niya ang dala-dalang kahon na pinamili nila ng ina at naupo sa semento sa ibaba ng kanilang kotse,isinandal ang likod at doon naghintay.
Ilang minuto matapos ang maingay na tinig sa loob ng sasakyan.
"Mahal! Hindi pa rin ba pumapayag ang asawa mo?"tanong ng lalaki na nasa loob ng kanilang sasakyan.
"Mahal, sinubukan ko na makipag-hiwalay, pero tumututol siya! Sinabi ko na, na wala ng patutunguhan ang pag-sasama naming dalawa, pero ayaw pa rin niya!"paliwanag ng babae sa lalaki na nasa loob ng sasakyan.
"Konting udyok pa mahal! Magpapakasal pa tayo di'ba? Bubuo pa tayo ng sarili nating pamilya! Di'ba yon ang gusto mo?"tanong ng lalaki
"Oo mahal! And I can't wait na mangyari yon! Wala na lang talaga akong nararamdaman kay Delton! Ilang taon ko na tinitiis ang pakisamahan siya! Pero wala na talaga!sambit ni Celeste.
"Totoo ba yan? Eh sino na ang mahal mo ngayon?"mapusok na tanong ng lalaki.
"Siyempre ikaw mahal! Ikaw lang habam-buhay!"seryosong sagot ni Celeste at tila bumalik ulit sa paghahalikan ang dalawa.
Sa labas ng sasakyan, isang batang may murang isipan ang nakakarinig sa kanilang usapan.
Gustung-gusto umiyak ni Gio at istorbohin ang kalaswaang ginagawa ng mama niya at ng lalaki na nasa loob ng sasakyan.
Gusto niyang sumigaw at tumakbo papalayo sa kinaroroonan ng mama niya at lalaki nito.
Ito pala ang dahilan kung bakit nanlalamig na ang pakikitungo ng mama nya sa kaniyang papa.
Ito pala ang dahilan ng narinig niyang pagtatalo ng mag-asawa noong nakaraang araw.
Mahal na mahal ni Delton si Celeste pero ayaw niya pakawalan ang asawa dahil ayaw niyang mawasak ang kanilang pamilya.
Sa isang saglit pa'y, tila tapos na ang ginagawa nila sa loob.
"Sige na mahal! Baka naiinip na ang anak ko sa loob! Tatawagan na lang ulit kita kung kailan tayo magkikita ha!" Sabi ni Celeste.
"Hay. . . Kung pwede lang itakas na kita eh! Ayoko na ng ganitong set-up natin mahal!" Sagot ng lalaki.
"Hayaan mo na mahal, konti na lang,masosolo mo na rin ako at maibabahay okay! Pero for now, kakaunin ko muna ang anak ko sa loob at ikaw, umuwi ka na at magpahinga,okay!"tusong sambit ni Celeste sa lalaki.
"Hay. . . Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sige text ka na lang mamaya ha!"pahabol ng lalaki at bahagyang lalabas ng kotse.
Sa pagbukas niya ng pinto,nasagi niya sa gilid si Gio.
"Loko 'tong batang to ah! Lumayas ka riyan at baka masipa kita!"galit na bulyaw ng lalaki kay Gio.
Nagtaka si Celeste at agad bumaba ng sasakyan. Nang puntahan niya ang kinaroroonan ng bata, laking gulat niya ng makitang si Gio ang binubulyawan ng lalaki niya.
Tila wala ng pakeelam si Gio. Pasok sa kanang tenga at labas naman sa kaliwa. Tila manhid na siya at wala ng nararamdaman.
Ngunit dahil walang kaalam-alam yung lalaki, hinila niya ang damit ng bata at itinayo. Inihanda ang kaniyang kamao at akmang susuntukin si Gio.
Hanggang sa. . .
"Dino! Huwag!"sigaw ni Celeste kay Dino,ang kaniyang kabit, at sabay tulo ng kaniyang luha.
"Huwag! Anak ko siya! Siya si Gio!"umiiyak na pakiusap ni Celeste.
Nang marinig iyon ni Dino, ay unti-unti na niyang ibinaba ang kaniyang kanang kamay.
Hindi makapaniwala ang dalawa. All this time, nasa labas na pala ng sasakyan si Gio at narinig lahat ang kanilang pinag-uusapan.
Ngunit tila wala pa ring pakeelam si Gio, deretso ang tingin na tila hindi pa nahuhulasan.
Pero ilang saglit pa'y,ibinagsak ni Gio ang bitbit niyang kahon at tumingin kay Dino.
Tinging gustong pumatay...
Tinging punung-puno ng poot at galit..
Tinging walang kapatawaran...
Bahagya naman niyang binaling ang tingin sa kaniyang ina na si Celeste.
Tinging nangungusap..
Tingin na sobrang daming katanungan...
Tingin ng bahagyang pagkamuhi at tingin ng isang anak na nagsusumamo..
Agad tumulo ang luho ni Gio habang nakatingin sa kaniyang ina. Akala niya, kakayanin niyang ipawalang-bahala ulit.
Akala niya, mapapanindigan pa niya ang pagtataksil ng kaniyang ina sa kaniyang papa.
Pero hindi rin pala. . .
Bigla siyang nanlambot ng makita niya ang kaniyang ina.
Sa pagkakataong iyon, wala ng ibang pamimilian si Gio kundi ang tumakbo papalayo sa kinatatayuan niya.
Tumakbo siya ng tumakbo kahit hindi alam ang patutunguhan.
Tumakbo at tumakas sa walang kasiguraduhang mundo.
Kasabay ng patak ng ulan ang nakikiramay niyang damdamim at ang luhang puno ng galit at muhi.
Iniidolo niya ang kanyang mga magulang, pero, nawasak ito sa isang iglap lamang.
Walang pagkitaan kay Gio.
Na para bang ayaw na niya magpahanap pa at bumalik sa kaniyang mapaglarong mundo.
Makalipas ang magdamag, pagmulat ng kaniyang mga mata, nagtaka siya dahil naroon na siya sa kaniyang silid.
Isang babae ang pumasok sa kaniyang kwarto at iyon ay si Kaye.
"Gio,ok ka na ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"nag-aalalang tanong ng kapatid.
Ngunit sa halip na sumagot,bumalik na lang ito sa pagkakahiga at nagmumuni-muni.
Pawang hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga nangyari at narinig, na buong magdamag ay pinagdarasal niya na sana, sana ay panaginip na lamang ang lahat ng iyon.
Ilang saglit pa'y, ang papa na niya ang nagtungo sa kaniyang kwarto.
"Anak, hindi mo na kailangang itago yan! Alam at ramdam ko iyang nararamdaman mo!"naiiyak na sabi ni Delton kay Gio.
Agad bumalikwas si Gio at tumingin sa ama.
"Nasaan si mama?"tanong ni Gio
"Pinalaya ko na siya anak! Pinalaya ko na ang mama mo! Mahal na mahal ko ang mama mo, pero,siguro hanggang dito na lang talaga kami!"paliwanag ni Delton s anak habang hinahagpis ang buhok ni Gio.
"Bakit kayo pumayag?"tanong ni Gio na pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha.
"Sa ngayon bata ka pa anak,hindi mo pa lubos na mauunawaan ang nangyayari! Pero sana,huwag kang magtatanim ng sama ng loob o galit sa mama mo! Piliin mo pa rin ang mahalin siya!"sambit ni Delton sa anak kasabay ang pagtulo ng kaniyang luha.
Pero tanging matigas na tingin lang ang isinagot ni Gio sa ama.
Matapos non, niyakap ng ama ang bunsong anak ng mahigpit at sabay bulong na, "IPINAGLABAN KO ANG MAMA MO!"
Awa at lungkot ang naramdaman ni Gio para sa ama.
Napakabuti ni Delton sa mama niya. Isang tunay na haligi ng pamilya. Kumbaga,para sa ibang babae, wala ng hahanapin pa kay Delton, pero pinili pa rin ng mama niya na pagtaksilan ang kaniyang papa.
Ilang segundo pa'y, saglit ng nagpaalam ang papa niya upang magluto ng kanilang hapunan.
Alas-otso na ng gabi. Ngunit wala pa rin tumatawag sa kaniya at sa kaniyang ate upang maghapunan. Sana'y kasi sila na may hihiyaw mula sa ibaba upang tawagin sila sa oras ng pagkain.
Sa pagtataka ni Gio, bumangon siya mula sa kaniyang kama at pagkakahiga at tutungo sa kanilang Dining Area.
Malinis ang kusina at nakahanda na rin ang pagkain sa hapag-kainan. Ngunit wala ang papa niya.
Ilang saglit pa'y , tinungo ni Gio ang sala kung saan mahilig lumagi ang kaniyang ama upang manood ng T.V habang kumakain. Nagbabaka- sakaling naroroon ito at pinapanood ang kaniyang paboritong palabas.
Ngunit wala rin doon si Delton.
Nagsimula na kabahan si Gio,kung kaya't tinawag na niya ang kaniyang ate mula sa itaas.
"Ateeee..."malakas na hiyaw ni Gio.
Dali-dali namang bumaba si Kaye sa pagaakalang may nangyaring masama kay Gio.
"Ano ba yun Gio?"tanong nito sa kapatid.
"Hindi ko kasi makita si papa,pero handa na ang pagkain sa lamesa! Tara, hanapin natin si papa!"nag-aalalang sambit ni Gio sa kapatid.
Inikot na nila ang buong bahay, ngunit walang pagkitaan sa kanilang ama.
Nagtungo si Gio sa kanilang backdoor na naging tambakan na. Doon nakaulinig si Gio ng tila umiingit na isang bagay ng paulit-ulit.
Pagbukas niya ng pinto. . .