Chapter 7: the deal and the function *** Basil pov Dumiretso kami sa coffee shop sa tapat ng building, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa pagpapakita bigla ni solemn. Di ko man nakita yung pagsabog pero nakita ko yung mga dalang piraso ng buhok ni Solemn na dala dala ni boss nun. Nilingon ko naman si Thyme na kanina pa tahimik. Ano ba to? Natrauma? Hahaha. "hoy!" sipa ko sa paa niya sa ilalim ng mesa. "ano?!" bugnot niyang baling at sabay naman kaming napatawa ni Fritz, wala talagang tatalo. Sungit awards talaga ang babae na toh! "ehem. Wag mo na palang hanapin yung toyota." biglang seryoso ko. "bakit?" "tch. Natagpuan kong patay yung lalaki sa loob ng kotse niya." paliwanag ko na siya namang ikinataas ng kilay niya. "bakit bro? Sino naman papatay doon?" singit ni

