Chapter eleven: Mr. p*****t?! *** Thyme pov Tumaas ng mataas ang aking kilay kung may itataas pa nga ito sa pagkairita ko sa panget na lalaki sa aking harapan. Kung kakain hindi na lang kumain at ayaw pa akong tantanan. "kumain ka na." utos niya sa akin, umikot lang ang aking mata bago sipain ang tuhod niya sa ilalim ng lamesa. "aray! Sungit mo talaga ah!" "paano ako kakain eh kanina ka pa tingin ng tingin sa akin! Nakakasuya ka!" pagtataray ko at ngumisi naman ang pangit! Si Basil ang kasama ko! Sino pa ba ang pangit sa mundo samantalang nag iisa lang siya. Matapos kasi naming dakipin si Griselda ay kinulong namin sa HQ bago dumiretso sa malapit na restaurant para magdinner, eh ang letseng pangit na ito nakakaumay ang mukha! Tss. "sabihin mo lang busog ka na dahil may gwapo kang k

