Joey's POV Alam ko sa loob loob ko na may tinatakbuhan ako. Hindi naman ako tanga para isipin na wala lang ang mga nakikita ko sa panaginip, sadyang hindi ko lang pinapansin. Pero sa mga nalaman ko kay China, alam kong panahon na para harapin ang pinakakinatatakutan kong memorya. Flashback "Maniwala ka sa akin Joey, you are Sachiko-sama" determinadong sabi niya. Hindi ako umimik at tumingin lang sa kanya. "Ang totoo niyan wala akong alam tungkol sa totoong nangayri kay Sachiko-sama" pagpapatuloy niya "Ang alam ko lang ay nawala ka nung bata ka pa. I was ten years old when your lolo adopted me, noong una wala silang sinasabi tungkol sa pamilya mo ni ayaw ni Akai-dono na banggitin ang pangalan ni Akari-sama, they just trained me. But when I turned fifteen they explained eve

