Third Person's POV Ramdam nila ang lungkot ng lima lalong lalo na si Skyzell, nagtataka na nga ang mga taong nakapaligid sa kanila dahil sa pagbabago ng kilos nila. Tanging sila China lang ang nakakaalam ng daghilan kung bakit. Ngunit bukod sa dahilang iyon may nadagdag pang problema si Sky, ngayon ang dating ng mga candidates na magiging fiance niya. Ngayon ay magkakasama ang siyam kumain, ang STORM, si Kylie, China, Mon at Marvina. Hindi malaman ni China kung paano sisimulan ang hiling ni Joey sa kanya. Alam niyang oras na malaman ang ginawa niya mapaparusahan siya, pero sa kalagayan ngayon ni Skyzell, mas pinili niyang sabihin sa binata, dahil kitang kita ang pagiging desperado nito. "Uhmmm Skyzell" sinubukan niyang tawagin ito ngunit, wala na naman ito sa sarili, sila

