Third Person's POV "Sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ng matanda sa dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Nararamdaman ni Akai kung gaano nasasaktan ang apo sa desisyong ginawa. Mula pag-uwi nito ay naluha na ang dalaga. Nagulat pa siya nang makita ang itsura nito kanina, pagbaba ng kotse ay tulala ito at walang tigil ang pag-agos ng luha. Sa ngayon ay nakaupo na sila sa airport, napagdesisyonan nilang gawing maaga ang plano upang maagang makaalis si Joey at ang mga kasama, hindi sasama ang matanda dahil siya ang magiging tagapamahala ng business nila sa Pilipinas, at isa rin ito sa plano nila. "sigurado na po ako Lolo, wag kayong mag-alala kaya ko to, kayanin ko" ang huling nasabi niya ay pabulong na lang, para bang kinukumbinsi ang sarili. "Hin

