Joey's POV Bumigat bigla ang pakiramdam ko sa paligid. Parang mga hindi makapaniwala sila Aki, hanggang ngayon ay nakatingin sila kay Sachiko, sigurado akong siya to kasi kakaiba ang kulay ng mata niya, naaalala kong nabanggit sa akin ni Aki to. Tumakbo siya palapit kay Aki at niyakap ito ng mahigpit, hindi naman gumalaw si Aki dahil mukang gulat pa rin siya. Unti unting bumitaw si Sachiko kay Aki at bumaling kina Orph, isa isa niyang niyakap ang mga ito. Syempre hindi ako kasali, paki ba namin sa isat isa. Hinuli niya si Sky. Para akong nanunuod ng telenovela. Nagtinginan muna sila sabay niyakap siya ni Sachi. Para naman siyang tuod na hindi manlang kumilos, tumingin pa sa akin na para bang nagpapaalam, aba anong gagawin ko. Pagkayakap niya kay Sky ay hindi na siya bumitaw dito,

