Joey's POV Ang sarap matulog lalo na kung may mainit kang unan na katabi. Pagmulat ko, bumungad ang muka ni Sky. Oo nga pala dito nga pala natulog to. Imbes na magpanic tulad ng dati mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya, naramdaman ko namang mas humigpit ang yakap niya sa akin. Siya ang unang taong nakatabi sa akin ng ganito. Puro mga bata lang ang pinapalapit ko,sila Melda nga eh ni hindi ko nayakap tapos ang pinakaclose atang nangyari sa amin ni Gardo ay yung mga suntukan namin, yun lang. Hindi ko alam kung anong meron siya at pinapayagan ko to, pero wala na akong pakialam, ngayon lang to, baka manghinayang pa ako kung iiwas ako dito. Tsk nararamdaman kong malapit na. Haaayyy! Ano kayang gagawin ng mga abnormal kapag basta na ko nawala, lalong lalo na ang isang to. Psssh bahala

