Secret 64

2159 Words

Joey's POV   Mukang constipated ngayon si Sky, akala mo maano sa kinauupuan niya eh. Kanina pa yan ganyan, simula nang sabihin ng lolo niya na dadating yung mga babae niya. Tumingin pa sa akin ang loko, kala mo nanghihingi ng tulong, aba bahala siya dyan, problema niya yan labas ako dyan.     Dahil nga usapang pamilya, hindi kami sumali. Medyo malayo kami kina Tandang Go ngayon. Nakaupo silang magpapamilya sa sala habang hinihintay yung mga chicks ni Sky samantalang kami nasa labas na parang garden na ewan, may pool pa nga, basta malawak yung lugar kung nasaan kami. Mula sa pwesto namin kitang kita namin yung mangyayari sa sala. Hindi ako kasali kasi tinatamad ako, ayokong  makipag-usap sa mga taong hindi makaintindi tsaka ayaw din nila Mama, ngayon na nga lang daw nila ako makakasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD