Joey's POV Abnormal na Bogart yun, ang sarap ihambalos sa pader kung hindi lang sayang ang pader ginawa ko na. Puro katangahan ang pinapairal. "Hello" sagot ko dun sa cellphone ni China. Tumawag na naman si Sky praning. Kanina pa tong isang to. Tinext ko na nga na hindi ako makakapasok dahil may inaasikaso ako, aba kung makapagreact kala mo guguho ang mundo. Ilang beses na akong tinawagan at tinext. Katatapos niya lang akong tawagan kanina mga sampung minuto ang nakakalipas. Eto at tumatawag na naman. "ano Joey ayos ka lang ba?" yan din ang unang itinatanong niya. "Sus maryosep naman Sky kanina mo pa tinatanong yan at sa huling pagkakataon ay.... Teka sandali" "What? Why? What's happening?" hindi ko na siya pinansin at binaba ko sa upuan yung ce

