CHAPTER 1 (BOOK 2) KATE'S POV: Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon na magiging ganito ang buhay namin nila David. Maraming nangyari sa amin sa Pilipinas kaya minabuti naming pumunta rito sa ibang bansa para makalimot at magsimula ulit. Gusto ko kasing makasiguro na maalis ang trauma ni Michael. I know, na kahit hindi niya sabihin, ramdam ko pa rin ang pangamba at takot sa kanyang dibdib dahil sa harap-harapang barilan na naranasan niya. Masyado pang bata si Michael para mapagdaanan ang matinding pangyayari na 'yon. But God is really good. Kahit na nawala sa akin ang isa kong anak, hindi niya pa rin pinabayaan ang batang makulit na si Michael. Sino bang mag-aakala na buhay pala ang anak ko diba? Buong buhay ko, siya ang naging lakas ko. Siya ang naging dahilan kung bakit naging malak

