Malalim ang pag-iisip na ginagawa ni Valian nang maramdaman niya ang paglapit ni Hadie. Sa ilang taong pagsisilbi nito sa kanya, ni minsan ay hindi niya man lang naisip na ito ang babaeng naging dahilan kung paano nanatiling buhay ang kanyang pinsan, at kung bakit muling nabuhay ang babaeng mahal niya. Nang malaman niya ang katotohanan mula kay Elmont, gusto niyang magalit kay Hadie...ngunit alam niyang wala itong gaanong natatandaan sa kanyang nakaraan. Ni hindi nga nito makilala si Elmont, kaya alam niyang hindi kikilos si Hadie hangga't hindi siya ang nagsasabi ritong tulungan ang kanyang pinsan. Nagsalin si Hadie ng alak sa baso saka niya ito ininom habang papalapit kay Valian. Ang mahaba niyang buhok ay mataas na nakatali, dahilan upang lumantad ang marka ng laurel na nasa kanyang b

