Pakiramdam ni Bjourne ay nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod nang makita ang pagbagsak ng kanyang kapatid sa lupa. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig dala ng matinding emosyong unti-unting lumulukob sa kanyang dibdib. Bumagsak siya at napaluhod sa harap ng kapatid. Maingat niyang hinawakan ang mga balikat ni Elmont, saka niya bahagyang niyugyog ang mga balikat nito habang nanginginig ang kanyang ibabang labi. "Elmont..." Nabasag ang kanyang tinig at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata nang wala man lamang siyang nakuhang tugon mula sa kapatid. Ang t***k ng puso nito'y tuluyan nang huminto, ngunit ang mga mata nito'y nanatiling nakabukas na tila nakatingin sa kanyang luhaang mga mata. Ni minsan ay hindi niya naisip na sa ganitong paraa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


