Marahan ang bawat paghaplos ni Cora sa buhok ng pamangking si Marifer. All these years, she wanted nothing but to hold her in her arms. Labag man sa loob niya noong ipaubaya kay Matthew ang dalaga noong sanggol pa ito, alam niyang ito lamang ang tanging paraan upang maging ligtas ito. Walang araw na hindi siya naghintay sa pag-uwi nito sa Vourden, ngunit nang tuluyan niyang malaman mula sa ama ni Magnus ang katotohanan tungkol sa kakaharapin ni Marifer, nagkaroon na siya ng takot para rito. Gumuhit ang takot sa kanyang mukha nang makita ang mukha ng pamangking mahimbing nang natutulog dahil sa pagod sa pag-iyak. Naupo siya nang maayos at inayos ang kumot sa katawan nito saka niya sinariwa ang naging usapan nila ni Mosiah. "Marifer holds the weapon that could kill our bloodline. The very

