Nakiusap ako kay Auntie Alexis at Uncle Dark na huwag na sanang banggitin kay Mommy at Daddy ang nangyari kagabi. Magiging sobrang OA ng mga magulang ko na baka ipagpilitan na naman na kailangan ko ng bodyguards na siyang ayaw na ayaw ko na talagang mangyari pa. Wala ring alam si Eros tungkol sa nangyari. Asang-asa pa naman silang dalawa ni Gray na may pasalubong ako na iuuwi. Meron naman sana, ang kaso nga lang ay natapon ng makipag-away ako sa tatlong kidnapper na yon. Kumukulo pa rin ang dugo sa tuwing masasagi ng isip ako ang tungkol sa nangyari. Grabe na talaga ang kasamaan ng mundo. Kahit nakaharap pa ang mga magulang ng batang babae ay talagang pilit nila itong inagaw sa tatay. Kung hindi lang maagang rumesponde ang mga police ay baka nga mas malalala pa na parusa ang iginawa

