Malugod akong nakapasok ng mansyon ng aking tiyuhin na tulad pa rin ng dati ay napapaligiran ng marami niyang mga tauhan. Tinatanguan lamang ako ng bawat isa at mukhang kilala naman nila ako kahit ngayon ko pa lang yata sila mga nakita. Huminto muna ako ng matapat na ako sa malaking pinto ng bahay. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at saka na ko na binuksana ang nakapinid na pinto. Malawak ang loob ng bahay ngunit nagsusumigaw ang karangyaan sa bawat sulok nito. Kung hindi ako nagkakamali ay ang bawat muwebles na ginamit sa pagtayo nito ay hindi basta-basta natitibag ng bala ng baril. “Makoy? Ikaw na nga ba yan?” Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses ay sinalubong na ako ng matamis na ngiti ni Auntie Alexis. Wala rin namang nagbago sa mukha niya kung hindi mas lal

