Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ko matapos malaman ang totoong pagkatao ng taong tumulong sa akin sa club. Kapalaran ko na yata talaga ang tumanda na lang mag-isa. Umasa pa naman ako na baka sakaling papasa sa standard ko ang Julius na yon na hindi pala. Isang mahinang katok ang narinig ko sa pinto ng aking opisina sabay silip ng ulo ni Miss Sioson. “Miss Erin, mauna na akong umalis.” Pagpapaalam niya na sa akin kaya napatingin ako sa aking wrist watch. Pasado ala-singko na pala ng hapon. Ibig sabihin ay lumipas ang mga oras ko na akong ginawa kung hindi ang tumunganga. “Ingat, Miss Sioson. Ayusin ko lang mga gamit ko at uuwi na rin ako.” Tamad kong lahad at saka na nga nag-umpisa na mag-imis ng mga gamit ko. Nakakalat pa nga ang mga larawan na ibinigay ni Makoy. Muli kon

