“Talaga yatang inuubos ni Makoy ang pasensiya ko. Bakit hanggang ngayon wala pa akong balita sa kung anong update niya sa pinahahanap ko?” inis na inis kong bulong habang pabalik-balik ang lakad sa loob ng opisina ko. Isang linggo na simula bg magkausap kami at inaasahan ko na dalawa o tatlong araw lang ay may balita na siya pero ni kahit anong ha at ho ay wala pa akong natatanggap sa kanya. Hindi ko rin alam ang cellphone number niya kaya hindi ko matawagan ang berdeng matang lalaki na yon. Hindi ko na rin siya nakita na nagpunta kina Uncle Dark kaya hindi ko na naman alam kung saan ko siya hahagilapin. “Miss Sioson, tanong ko lang kung alam mo. Iyong bang nating kumpanya ni Uncle Dark kung saan nag-work si Auntie Alexis ay kanya pa rin ba?” kunwari ay balewala kong tanong kay Miss Sio

