Andrea's POV
Maaga ulit akong nagising ngayong araw para makasabay sana si Fritz pero maaga siyang pumasok at di ko siya naabutan kaya mag-isa akong naglakad papuntang school.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Tinignan ko naman ang pinasuot ni tito Jessy sa'kin ngayon.
Waaah! Hindi ako kumportable sa suot kong palda na above the knee. Nasanay akong below the knee yung palda na hinihiram ko kay lola.
Hayaan na nga!
Wala naman silang pakialam kung ano ang isusuot ko. Ang importante, may suot ako.
Wala akong pake kung ano pang lait ang ibato nila sakin. Basta ang alam ko crush ko si Fritz. Hihi!
Pagpasok ko ng gate ng school ay nagsitinginan yung mga students sa direksiyon ko.
Bakit?
Agad kong tinignan kung may kulangot o muta ako pero wala naman..
"Uy chix!"
"May bagong transferee?"
"Ang ganda niya pre!"
"Uy, sexy din."
"Nag-aaral ba siya dito? ba't parang ngayon ko lang siya nakita?"
"May boyfriend na kaya siya?"
"Parang pamilyar siya."
Rinig kong usap-usapan nila.
Huh? May transferee? Agad ko namang nilingon sa likuran ko.
Transferee raw? Saan??
Habang naglalakad ako ay may nakabanggaan ako.
*Blag!* Aray ko, yung pwet ko na naman napasalampak sa lupa! Huhu.
May nag-abot ng kamay sa harapan ko.
"Sorry miss." Tiningala ko kung kaninong kamay yun at si Monard, kaya 'di ko inabot ito at tumayo ako ng mag-isa.
"Hi miss, you're new here?" Tanong ni Monard habang nakangiti sa'kin.
Ano na naman ba 'to?
Dare part 2? At ako na naman ang biktima??
"Ano na naman bang trip mo??" Inis kong tanong sa kanya. Hindi ko malilimutan ang pagpapasimula nila ng panlalait sa'min ni Fritz. Tapos ngayon may ibang trip na naman siya?
Nakita ko namang mula sa malawak na ngiti ay gumuhit sa mukha niya ang pagtataka at tinignan ako ng mabuti.
"A-Andrea??" Nagtatakang tanong niya.
"Ay hindi, ako si Vice Ganda. Obvious ba?" Sarkastikong kong sabi at umalis na dun at hinanap na si Fritz bebe ko.
Char, umiimprove na talaga pagkamalandi ko, rrrrr.
Naweweird-an naman ako sa mga tao dito sa paligid. Kanina pa sila nakatingin sakin pati yung mga teachers. Ang sabi nila, di raw nila ako nakilala.
Anong nangyari sa mga pipol? Naghalfday lang naman ako, tapos nakalimutan na nila ang mukha ko??
Ameyzeng!
"Ay ang ganda mo pala ha, infairness halos lahat ng students sa campus naiintriga sa'yo." Sabi ni Lynette ang classroom president namin.
Huh? Ano raw?
Hinanap ko naman si Fritz at humingi din siya ng tawad. Di raw niya sinasadya na sigawan ako nung last time.
Sabi kasi sa inyo eh! Kahit may pagkamasungit si crush, may ginintuan parin siyang pusooo~
Bumalik naman kami sa dati, hayun ang cold parin at ang tahimik niya at ako lang naman ang tagadaldal.
Lumipas ang mga araw at hindi naman na kami nilalait na BuNerd. Nalaman ko din na dahil daw sa nag-aayos na 'ko ay di na daw ako mukhang nerd.
May mga nanliligaw na rin sa'kin at nalaman ko ring nagbreak si Cristine at Monard at muli siyang humihingi ng second chance.
Pero hindi na ulit ako magpapauto sa kanya. Alam kong isa siyang manloloko at hindi ko makakalimutan ang panggagamit at panloloko niya sakin noon.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang panloloko mo sa'kin." Sabi ko sa kanya at aalis na sana ako pero naramdaman kong hinawakan ni Monard ang wrist ko at hinila ako.
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ko.
Sa pagkakataong iyon ay nakita ko yung mga kaibigan ni Monard na mabilisan kaming kinunan ng litrato kaya agad ko siyang tinulak papalayo at sinampal.
"Ano bang problema mo?! Napakasama mo!" Galit na sigaw ko at tumalikod na.
"Ano bang meron sa bulag na iyon?! I'm way better than that Blind transferee! Can't you see I'm changing just for you?!" Sigaw ni Monard kaya napatigil ako.
Yeah, he's a playboy before at iba ibang babae ang kasama niya kahit may girlfriend siya at ngayong gusto niya ulit na makipagbalikan sa'kin ay nakita kong umiiwas na siya sa mga babae at nakipaghiwalay na rin siya kay Cristine. Nalaman ko ring ginagalingan din daw niya sa studies niya para sa'kin.
Humarap naman ako sa kanya at ngumisi. "Changing?"
"Tinatanong mo ba kung anong pinagkaiba niyo?? Well, he has a heart at ikaw wala. I liked him for who he is. Minamaliit niyo siya dahil bulag siya? Yun ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, hindi nakabase sa hitsura ang pagtrato niya sa'kin. Kung ano siya, ganun siya at hindi siya tumitingin sa hitsura. Eh ikaw? nagpaahit lang ng kilay, nagpaayos ng buhok o naglagay ng kolorete sa mukha nagugustuhan mo na?? And one last thing, for your information, I liked him because he's personality is way better than you at hindi siya manloloko at manggagamit tulad mo." Mahaba kong saad at umalis na roon at hinanap si Fritz.
Hawak-hawak ko pala yung lunch box niya. Sure akong di pa yun kumakain.
Hinanap ko sa buong Campus si Fritz pero di ko siya mahanap at nalaman ko na lang na umuwi na pala siya.
Nalungkot naman ako, maya-maya pa ay habang nakaupo ako sa isang bench ay may biglang tumakip sa mata ko.
Pagkatanggal ko ay si Mhay.
"Kyaaah! Namiss kita!" Nagyakapan kami at bahala na kung mabingi kaming pareho sa kakasigaw namin. Nakakamiss siya e.
---KINABUKASAN
Naeexcite ulit akong pumasok ngayon dahil meron na ulit si Mhay. Samantalang si Fritz naman ay di ko naabutan dahil maaga na naman siyang pumasok.
Haaaay. Pero okay lang, tatanungin ko na lang siya mamaya. Bakit kaya siya umabsent kahapon? Ayos lang kaya siya??
Pagkapasok ko palang ng gate ay agad akong sinalubong ni Mhay.
"Andrea! Akala ko ba wala na kayo ni Monard? Nawala lang ako, tas di ka na nagkkwento sakin. Sumasama na ang loob ko ha, alam na ng buong campus tapos ako lang ang di nakakaalam?" Nakapamewang niyang tanong.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Wala na nga kami.. Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Eh ano to?" Turan niya at ipinakita sa'kin ang litrato namin ni Monard na magkahalikan.. Ito yung kahapon.
Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari.
"Masasakal ko talaga yang hinayupak na yan! Tara, mahambalos nga ng dustpan yun!" Galit niyang sabi at kinuha niya yung dustpan na ginagamit nung janitor kaya nagtaka si manong janitor sa biglaang pang-aagaw ni Mhay sa dustpan na ginagamit niya.
Pinakalma ko siya at napagdesisyunan naming ireport ito sa Principal's office.
Habang papunta na kami ng principal's office ay nakita ko si Fritz kaya ipinakiusap ko kay Mhay na kung pwedeng ay siya na muna ang kumausap sa Principal at kakausapin ko lang muna si Fritz.
Kaya nauna na siya habang ako naman ay sinundan si Fritz.
"Fritz." Pagtawag ko sa kanya pero di niya ko pinapansin.
"Anong nangyari kahapon, bakit ka um-absent??" Tanong ko pero di siya sumasagot.
"Nagkasakit ka ba? May lagnat ka ba?" Hinawakan ko ang noo niya at mainit nga siya. Ang taas ng lagnat niya!
"Mainit ka nga! Eto, may dala akong--"
"Stop it." Pagputol niya sakin at tinanggal ang pagkakahawak ko sa noo niya.
Hay nako, sinusumpong na naman ng pagkamasungit 'to. Pero lab ko parin siya ayieee!
Tumalikod naman siya at di ako pinansin..
"Fritz, uminom ka ng gamot. Tara samahan kita sa Clinic, uy!" Di niya ko pinapansin kaya hinawakan ko yung manggas ng polo niya kaya tumigil siya at tinanggal iyon pero di ako bumitaw.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" nalulungkot kong tanong.
"I'm the one who should ask that. Why are you annoying me and being this way?!" seryoso niyang sigaw kaya nagulat ako.
"M-may nagawa ba 'kong kasalanan? A-alam mo na ba yung tungkol sa litrato?? Hindi ako yung may gawa nun, si Monar--" pagpapaliwanag ko pero agad niya 'kong pinutol.
"I don't care on what've happened! Ang gusto ko lang lumayo ka sakin, bakit ba dikit ka ng dikit?!" he said at sa unang pagkakataon ay nagtama ang mata namin.
His emotionless eyes.
Tumingin ako ng diretso sa mata niya kahit alam kong hindi niya 'ko makita.
"Dahil crush kita.. Because i like you.."
"But I don't like you." saad niya kaya may kirot akong naramdaman.
"Okay lang sa'kin basta ang alam ko lang, gusto kita." diretsong sabi ko at binabalewala ang sakit na nararamdaman ko. "I chose to like you, kahit alam kong di mo 'ko gusto... Bakit nga ba ayaw mo sa'kin?" nasasaktang tanong ko.
"Because I...like your Bestfriend, Mhay." At doon na bumuhos ang luha ko.
to be continued~