chapter fifteen

1613 Words
Napadpad kami ni Firjas sa Tagaytay. Tumigil ang kaniyang sasakyan sa garahe ng naturang bahay. Malaki ito. Two-storey. Napapansin mo na isa itong resthouse. "Siguro naman, hindi na nila tayo masusundan pa dito." aniya habang kinakalas niya ang seatbelts. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko man kalasin ang seatbelts na nasa katawan ko. Bumaling ako sa kaniya pagkatapos. "Pasensya ka na kung nakatikim ka ng sapak. Maraming salamat din dahil inilayo mo ako sa kaniya." mahina kong wika. "Ayos lang. At saka, mukhang ayaw mo nga siyang makita... Narinig ko din ang usapan ninyo. And, I won't judge you, lalo na't hindi ko alam ang buong pangyayari." Hindi na ako nagsalita. Sa halip ay yumuko pa ako. Dama ko pa rin ang panginginig ng kalamnan ko sa tuwing sumasagi sa aking isipan tungkol sa mga nalaman ko. Unang lumabas ng sasakyan si Firjas hanggang sa pagbuksan na niya ako ng pinto. Inaalalayan niya akong makalabas. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Punung-puno ng halaman at mga bulaklak ang nasa paligid ng bahay. May natatanaw din akong puno sa bandang likuran. Sa tingin ko ay mahilig talaga sa mga halaman ang lalaking ito. Pero kahit ganoon ay nakakagaan siya sa pakiramdam. "Here's the guest room. Sana ay ayos lang sa iyo ito." he announced when we reached the room. Una siyang pumasok, sunod ay ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kuwarto. Bumaling ako sa kaniya. Ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti. "Masyado na nga siyang malaki bilang guest room kung tutuusin." kumento ko. Nakapameywang siya. "I'm glad you like it. Well, kakabili ko lang nitong bahay at ipaparenovate ko palang siya kaya ganito pa ang ayos niya." he said and cross his arms. "Papaano pala ang check in mo sa Tanza oasis? Sayang ang pera mo." Mahina siyang tumawa. "Bakit ako lang? How about you? Hindi ba nakacheck in ka din doon?" Saglit ako natigilan. Oo nga pala. "Don't worry about it. The more important is your safety. Pupunta ako doon bukas para asikasuhin ko na 'yon. Bigyan mo lang ako ng authorization letter para may maipakita ako para maicheck-out na kita." suhesyon niya. "P-pwede naman akong sumama sa iyo—" "Papaano kapag natunton ka ulit ng boyfriend mo? Hm?" Dahil sa sinabi niya ay tumikom ang aking bibig. Lihim ko kinagat ang aking labi. Sa huli ay tumango ako bilang pagsang-ayon. "Ibibigay ko nalang ang bayad ko," "Kahit huwag na. Ako na ang bahala doon. For now, you should take some rest. You should clear your mind. Don't worry, feel at home." "Salamat ulit, Firjas." "Don't mention it, lady. So, goodnight and sleep and sound." saka lumabas na siya sa kuwartong ito. Pinanood ko lang siya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Nilapitan ko ang kama at umupo sa gilid nito. Hanggang sa inilapat ko na ang aking likod sa kuston. Nakipagtitigan ako sa kisame. Muli naninikip ang aking dibdib at hindi ko ulit mapigilan ang sarili kong humikbi. Pakiramdam ko ay sariwa pa ang lahat. Mula noong tumuntong si Colleen sa bahay at ipinakilala siya ni papa sa amin hanggang sa nalaman ko na dating asawa siya ni Rafael. Mas malalim ang samahan na meron sila kaysa sa inaakala ko. Sobrang unfair ang mundo. Hindi ko malaman kung ano ba ang ginawa ko kung bakit nararanasan ko ang mga ganito? Bakit kailangan kong saluhin ang sakit? Bakit kailangan kong maramdaman ito? Inangat ko ang isang kamay ko, dumapo ang tingin ko sa isang bagay na nakakapagpaalala sa akin tungkol kay Rafael. Ang singsing na binigay niya sa akin. "Mababalewala lang ito..." mahina kong saad. - [ FIRJAS ] Pagkasara ko ng pinto ay sumandal ako sa pinto. Unti-unti kong naririnig ang hikbi ni Angela mula sa loob. Pumikit ako ng mariin, at dahan-dahan akong bumungtong-hininga. Pagkatapos ay tumingala sa kisame habang patuloy ko pa rin pinapakinggan ang iyak niya. Alam kong masakit, Angela pero kailangan mong magpakatatag para sa oras na magkaharap ulit kayo, mababawasan na ang sakit na mararamdaman mo. Kung kailangan mo ng tulong ko, hinding hindi ako magdadalawang-isip na ibigay ang tulong na kailangan mo. Para makabangon ka ulit. Nagpakawala na ako ng hakbang palayo sa pinto ng guest room. Dumiretso ako sa master's bedroom. Hinubad ko ang aking coat at marahan kong ipinatong iyon sa single couch na nakaharap lang sa kama. Niluwagan ko din ang aking necktie hanggang sa tagumpay ko iyon hinubad at nilagay ko din sa couch. Nagsalin ako ng brandy at uminom ng kaunti. Dumiretso ako sa terrace para na din magpahangin. __ [ ANGELA ] Aminado ako. Kulang ako sa tulog. Thankful naman ako dahil hindi ako nagkaroon ng hang over. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi dahil sa namamahay ako o ano. Dahil nag-iisip ako kungmagwi-withdraw nalang ba ako bilang model ni Miss Dafni. Kung aatras na ba ako? Pero iniisip ko naman na baka sabihin napaka-unprofessional ko naman kung gagawin ko 'yon dahil sa personal na isyu sa pagitan namin ni Colleen. Pumikit ako ng mariin. Sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ng tamang paraan. Ayokong makita si Colleen, lalo na si Rafael. Ayoko silang makita... Nang buksan ko ang cellphone ko, maraming text messages ang dumating. Including Rafael, Cresha and Vibs. Ni isa sa mga iyon ay wala akong balak na sagutin iyon. Sorry, I need this. Naputol lang ang ginagawa ko nang biglang may kumatok sa pinto. Agad ko iyon tiningnan. Matik na nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin si Firjas na may dalang tray. May suot pa siyang apron. "Breakfast is ready!" maligaya niyang sabi. "Good morning." Ginawaran ko siya ng ngiti. "Sana hindi ka na nag-abala pa. Pwedeng kahit ako nalang ang magluto..." "You are my guest, Angela." then he take off his apron. "Gusto kong kumain ka muna bago man ako aalis papuntang Tanza." "Salamat." then I grabbed the fork and try to eat scramble egg. "Masarap," Ngumiti siya. "Ayos lang ba sa iyo na dito ka muna? Don't worry, I'll be back soon as possible." "Ayos lang naman ako. At saka, feeling ko, peaceful ang isipan ko nang tumuntong ako dito." sabi ko pa habang ipinagpatuloy ko ang pagkain. "Mabuti naman kung ganoon." __ Nasa garden ako ngayon. Umalis na si Firjas para asikasuhin na niya ang dapat asikasuhin sa Tanza. Nakaupo lang ako sa swing habang nakikinig ng music sa cellphone. Ang tahimik at ang lamig. Bagay talaga na may resthouse dito si Firjas. I bet he have a work in Manila or somewhere.  Naputol ang tugtog nang may tumatawag. Natigilan ako nang makita ko kung sino ang caller. Si Rafael. Hindi naman ako nag-panic o ano. Para nga akong namamanhid nang makita ko palang ang pangalan niya. Limang segundo ko tinititigan ang screen bago ko iyon sinagot. "Hello," "Missy, where are you?!" malakas niyang tanong na may halong pagkataranta. "Please, I want to see you... Let's talk." "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Rafael." matigas kong sambit. "Malinaw na sa akin ang lahat. Kahit saang anggulo, malinaw na malinaw na niloko mo lang ako." "Missy... Please..." naging basag na ang boses niya. Ilang segundo akong tahimik. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. "Alright, meet me at The Picnic Groove. In Leslie's. Bye." pinutol ko ang tawag at tumayo na mula sa pagkaupo ko sa swing. Naligo ako at nag-ayos. Mabuti nalang ay may iniwan na damit si Firjas para sa akin. Iyon ang sinuot ko pagkaalis ko sa resthouse. __ I took off my aviator when I got in the Resto. Tanaw ko si Rafael na nakatanaw sa malayo. Huminga ako ng malalim bago ako nagpakawala ng hakbang patungo sa kaniyang direksyon. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Medyo taranta siyang tumayo at akmang yayakapin ay agad kong itinapat sa kaniya ang palad ko para pigilan siya, hindi rin ako nabigo. Sa hitsura niya ngayon, parang kawawang bata na hindi niya alam kung saan siya uuwi. "M-Missy," mahina niyang sabi. I can feel the devastated within his voice. "Please, don't ever call me like that from now on, Mr. Chua." malamig kong turan. Hinila ko ang upuan at umupo. Umupo na din siya na parang nalilito sa aking inakto. "We can eat first—" "Hindi rin ako magtatagal." sabi ko. Natigilan siya habang nakatitig siya sa akin. "Kaya lang ako pumayag na makipagkita sa iyo ngayon dahil may gusto akong isauli sa iyo." pagkatapos ay marahan kong ipinatong ang singsing sa mesa. Kita ko kung papaano siya nanlumo sa aking ginawa. "A-Angela..." "Simula ngayon, wala na tayong ugnayan sa isa't isa, Rafael." malamig ko pa ring sabi. "Dahil malinaw na sa akin ang lahat. Oo nasaktan mo ako pero iisa lang ang tumatakbo sa isip ko buong gabi. Sana hindi nalang kita nakilala. Akala ko kasi hindi ka katulad ng tatay ko. Na hindi ako magawang saktan pati ang nanay ko. Tulad nitong ginawa mo ngayon... Ang sakit, Raf... Ang sakit-sakit ng ginawa mo. Sa sobrang sakit, kinasusuklaman na kita." pilit akong ngumiti. "This is the farewell, Rafael. Maging masaya ka sana." tumayo na ako at naglakad na ako palayo sa kaniya. Hindi ko na kaya... Na nasa harap ko siya... Dahil ayokong dumating sa punto na mababawi ko ang mga sinabi ko. Na mababalewala lang ang efforts ko na maging matapang sa harap niya! Papunta na ako sa grab taxi nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa isang braso ko. Gulat kong tiningnan kung sino 'yon. "Bitawan mo ako." mariin kong sabi. "Bakit palagi ikaw ang nagdedesisyon nang hindi mo muna pinapakinggan ang buong kwento, Angela?" matigas na din niyang tanong. Pilit kong magpumiglas. "Kahit anong paliwanag mo, hinding hindi magbabago na niloloko mo ako, Rafael!" halos bulyawan ko na siya. "Kahit pati ako, sinaktan mo?" Humalakhak ako na may panunuya. "Wow! Just wow! Ikaw? Masasaktan? Seriously?! Huwag kang magpatawa, Rafael. Hindi ako tanga para maniwala sa mga alibi mo!" tagumpay akong nakawala sa kaniya. Mabilis akong nakalayo. Pero ang masakit, hindi niya ulit ako nagawang sundan. Wala akong marinig na tinatawag niya ang pangalan ko. Hindi niya ako pinigilan kahit ilang beses... Bakit agad kang sumuko, Rafael? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD