Humawak ako sa railings ng balkonahe ng room hotel. The sky is so clear. Talagang nakikisama siya sa espesyal na araw na ito. Because today, I will take Angela as my wife. I'm willing to give my name to her. I will mark her mine. Sayang lang, dahil hindi ito masasaksihan ni Colleen.
I still remember when she almost give up. She lived only with her mother, pero iniwan din siya nito dahil namatay ito sa isang sakit. All she have is me. Her husband. The love of her life.
I can describe our relationship as bestfriends. She knew my favorites and likes, ganoon din ako sa kaniya. We're happy and contented. I admit, I love her very much. Kahit anuman ang hilingin niya, ibibigay ko kung ang kapalit ang mga iyon ay ang kaniyang saya. Gagawin ko ang lahat, mapasaya ko lang siya. Kahit masasaktan ako, walang problema sa akin. Kaya madali para sa aming dalawa na nakipaghiwalay siya sa akin pero kahit ganoon, nagagawa ko pa rin makalapit sa kaniya at nakakausap pa.
"I'm sick, Paeng." rinig ko mula sa kaniya habang nakaupo siya sa rocking chair. Nasa malayo ang tingin. May lungkot sa kaniyang mukha.
Natigilan ako. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko, sa mga binitawan niyang salita, tumigil din ang mundo ko. "Colleen..." ang pangalan niya lang ang tangi kong masambit.
Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Pero may gusto akong gawin... Naalala ko pa noong sinabi ni mama, may tatay ako. Nasa Maynila daw ito ngayon. Sinabi din niya sa akin kung anong pangalan niya. Gusto ko siyang makilala, Paeng... Bago man ako mawala."
Iyon lang alam kong hiniling niya sa akin. Ang makilala niya ang tunay niyang ama. Kung anong buhay na meron ito. Kahit hindi na nito ma-acknowledge bilang anak siya ng kaniyang ama sa pagkabinata, ayos lang. Atleast, nakaharap at nakausap na niya ito. Hindi na siya maghahangad pa na malaki. Sa pagkakilala ko kay Colleen, mababaw ang kaniyang kaligayahan. Ilang beses na din ako nagtakangkang tulungan siya para maipagamot sa mga doktor na kakilala ko, she insistly declined.
"Paeng! Paeng!" tuwang-tuwang tawag sa akin ni Colleen nang bisita ko siya sa kaniyang bahay dito sa isla.
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Anong nangyari? Inatake ka pa rin ba ng sakit mo?" hindi ko maiwasang mag-alala.
Agad siyang umiling pero hindi mabura sa kaniyang mga labi ang katuwaan na hindi ko alam kung para saan. "Nahanap ko na ang tatay ko, Paeng. Nakausap ko siya. Pina-DNA test niya ako. Tinanong niya sa akin kung anong pangalan ng nanay ko."
"Masaya ako para sa iyo, Colleen..." sabi ko na natuwa na din sa hinatid niyang magandang balita.
"He looks convinced, Paeng. Alam mo ba, may mga kapatid ako. I have two sisters." she added.
Nakikinig lang ako sa kaniya habang masayang nagkukwento tungkol sa experience niya noong nakasama at nakausap niya ang kaniyang tunay na ama.
"Paeng, may gusto pa akong hihilingin sa iyo." sabi niya na nakangiti pa rin.
"What is it?"
Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "I want you to marry my sister, Angela."
Nawala na parang bula ang mga ngiti ko nang sinabi niya ang mga iyon. "W-what?" naguguluhan kong sabi. Bakit parang kay dali para sa kaniya na ipamigay ako nang basta-basta? Bakit madali siyang magdesisyon sa mga bagay na tulad nito?
Dumapo ang tingin niya hawak niyang tasa. "Sa totoo lang, tuwing nasa Maynila ka at abala ka sa trabaho mo... Narito ako't nag-iisip kung papaano ka, Paeng. Sino ang mag-aalaga sa iyo kapag nawala na ako. Kaya nang makita ko ang kapatid kong si Angela, kahit sa picture lang... 'Yun na din ang oras na naisip ko na... Mas mabuti kung kayo ang magkakatuluyan." naluluha na niyang sabi. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Mahal kita, Paeng... Pero mas gusto kong iiwan kita nang hindi ka nalulungkot."
Dahil sa kagustuhan ni Colleen, pinili kong kilalanin ang kapatid niyang si Angela nang palihim. Nalaman ko na isa itong modelo. I saw her in a few tv advertisements, sa mga billboard, kahit sa mga fashion runway. Hindi ko maitanggi na nagagandahan ako sa kaniya. She looks gentle and fragile, sa hindi ko nalaman na dahilan.
"Paeng, I need a favor from you." bungad sa akin ni Colleen noong tinawagan niya ako sa pamamagitan ng telepono. "Angela is running away. Naglayas siya dito. And her sister, Alita told me she's going in Calaguas any at the moment. Paeng, please take care of my sister."
Hindi ako nadalawang-isip na gawin ang gusto niya. Hinanap ko kung saan bus siya sasakay at hindi naman ako nabigo. Talagang nakipagshift ako sa konduktor na dapat sa bus kung saan siya nakasakay.
Pinatira ko siya sa bahay. Doon ko pa siya nakilala nang husto. Pero ang hindi ko inaasahan ang pakiramdam na mamumuo sa sistema ko. I'm falling for her. Even her flaws and imperfections, I love it. Kahit na matindi ang galit niya sa tatay niya at kay Colleen, binalewala ko. Gusto ko pang lumapit sa kaniya at iparamdam na hindi siya nag-iisa. Na narito din ako, handang makinig sa bawat daing niya sa buhay.
"What do you think about her? Ang ganda niya, diba? And mabait naman siya, hindi ba?" kinikilig niyang tanong sa akin habang nakapangalumbaba siya, umuukit ang kasiyahan sa kaniyang mga labi.
Napangiti ako. "Yeah, right." kaswal kong sagot saka sumimsim ng kape na gawa niya.
"Masaya ako para sa iyo. You're falling for her. Hayy! Sa wakas, panatag na ako!" hiyaw niya. "Basta, ibigay mo ang pagmamahal mo sa kaniya nang higit pa sa ginagawa mo sa akin, Paeng. Alam kong magiging masaya siya sa iyo." unti-unti din nababalutan ng kalungkutan ang kaniyang mukha.
"What's wrong?" tanong ko na may pag-alala.
"Sana, may pagkakataon na makakausap ko siya. Na malalapitan ko siya... Kahit galit siya sa akin."
"Mawawala din ang galit niya sa iyo. Trust me."
Isang hilaw na ngiti na ang kaniyang iginawad niya. "Sana nga..."
Pero habang tumatagal ay gustong-gusto ko nang sabihin kay Angela ang lahat. Ang totoo. Na may ugnayan ako sa taong kinagagalitan niya. Na malalim ang relasyon naming dalawa ni Colleen. Sa tuwing nagtatangka akong sabihin sa kaniya ang mga bagay na 'yon ay siya naman nauunahan ako ng takot. Kahit na sinseridad ang nararamdaman ko para sa kaniya, baka sa iglap ay maglalaho lahat...
Hanggang sa dumating na nga ang araw ang kinakatakutan ko.
"Paeng," tawag sa akin ni Colleen na parang maumulta habang hawak niya ang telepono. Hindi na siya inatake ng sakit ng ulo niya. Mabuti naman kung ganoon. "T-tumawag si Angela... Sinabi ko sa kaniya nasa banyo ka, hindi pa ako tapos magsalita, binaba na niya ako ng telepono. Paniguradong iba na ang iniisip niya!" halos mahesterikal na siya nang sabihin niya iyon.
Walang sabi na agad akong lumabas ng private room ng ospital kung saan siya naka-admit ngayon. Kailangan kong puntahan si Angela. Hindi siya pupwedeng mawala sa akin. s**t, kung sinabi ko sa kaniya nag lahat, eh di sana wala na akong porpoblemahin ngayon!
Tang ina, Rafael. Ang bobo mo!
Sinubukan kong pumunta sa unit ko dahil paniguradong doon ako hinihintay ni Angela pero naabutan kong wala siya doon. Ang tanging sumalubong sa akin ay ang pagkain sa hapag. Doon ay natigilan ako.
Napasuntok ako sa pader dahil sa katangahan ko!
Hindi ako makatulog buong gabi. Wala akong ideya kung saan ko siya matatagpuan. Sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan niya, maski ang pinsan kong si Mikhail para malaman kung nasaan siya pero ni isa sa kanila, ay wala rin silang ideya. Tulad ko ay nag-aalala na din sila para kay Angela.
And I am very much thankful when Suther Ho and his wife saw her in one of the hotels in Tanza, Cavite. Nagmamadali akong puntahan siya doon, nagpupumilit naman si Colleen na sumama sa akin dahil tutulungan niya akong magpaliwanag kay Angela kung ano talaga ang nangyari.
"Anong ginagawa ninyo dito?!" bakas sa mukha at boses niya nang makita niya kaming dalawa.
"One of the Hochengcos told me na narito ka. Si Suther Ho. Nakacheck in sila ng asawa niya dito." hindi ko na rin mapigilang magalit dahil sa pag-aalala.
Hindi na ako narinig sa kaniya na anuman pang salita. Sa halip ay tinalikuran niy akong dinaluhan niya ang lalaking kasama niya para alalayang tumayo na mas lalo ko ikinagalit. Nilapitan ko sila't hinuli ko ang kamay ni Angela. "Let me go, Rafael!" galit siyang nagpupumiglas.
"No, I won't!" mariin kong sabi.
Mas hindi ko inaasahanan na malakas na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Para akong natauhan ng mga panahon na iyon. But, I think I deserve this. Because I hurt her. Tama lang sa akin na matikman ko ang galit niya dahil kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako nagsikreto sa kaniya, hindi naman siguro hahantong sa ganito ang lahat. Hindi siya magagalit nang ganito kagrabe.
"Hinding hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo!" sigaw pa niya.
Kita ko na hindi na makapagpigil si Colleen kaya nilapitan niya si Angela at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Kung anuman ang iniisip mo, maling mali ang inaakala mo, Angela!" malakas niyang sabi.
"Isa ka pa!" sigaw pa niya at walang sabi na malakas niyan naitulak si Collen at bumagsak ito. Dinuro pa niya ito. "Masaya ka na, ha? Masaya ka na... Na una mong sinira ang pamilya ko! Hindi ka pa kuntento, pati ang relasyon namin ni Rafael! Anong klaseng kapal ng mukha na meron ka?!"
"Colleen!" nag-aalalang tawag ko kay Colleen. Mabilis ko siyang dinaluhan at inaalalayan na makatayo. Nag-aalala ako na baka ano pa ang mangyayari sa kaniya. Because Colleen's situation is now fragile!
"Angela..." naiiyak na tawag ni Colleen. "Alam kong malabo pa ito pero ayusin natin at magkalinawan tayo. Makinig ka lang. Magtanong ka muna bago ka magbigay ng konklusiyon..."
"Hinding hindi ako makikinig sa iyo! Hinding hindi ko papakinggan ang bastarda na tulad mo!"
"Angela!" hindi ko mapigilang suwayin si Angela dahil sa mga binitawan niyang salita laban kay Colleen.
Tumawa siya na may panunuya. "Kinakampihan mo na pala siya, Rafael? Teka, narito ka at kasama mo ang babaeng iyan. Ibig sabihin, alam mong siya ang kapatid ko? Na siya ang anak ng tatay ko sa labas, ha?!"
Hindi ko siya magawang sagutin. Instead, I griited my teeth. Gustong gusto kong sagutin ang tanong niya pero tila umuurong na naman ang dila ko. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"Alam mo ito, Rafael?" humihikbi na siya. "Ibig sabihin, alam mo mula sa umpisa ang lahat ng ito? Kaya... Hindi ka nagdalawang isip na patirahin ako sa bahay mo noon...?"
Yumuko ako. Hindi ko siya magawang tingnan. I'm kinda, I'm a shameful man whoever she met. Sa mga oras na ito, wala akong mukhang maiharap sa taong pinakamamahal ko. Kahit na sabihin nating mahal ko na siya nang sobra, hindi niya deserve ang ganito. Na nasasaktan na siya nang dahil sa akin...
"Noong naglayas ka, Angela..." rinig kong si Colleen ang nagsalita. "Nalaman ko kay Alita na gustong gusto mo makarating ng Calaguas at malakas ang kutob ko na didiretso ka doon kaya agad kong tinawagan si Rafael para bantayan ka niya... Humingi ako ng pabor sa kaniya bilang kaibigan... Hindi bilang ex-wife niya..."
I heard her steps. Agad ko siya tiningnan. Napaawang ang bibig ko na naglalakad siya palayo sa amin. Marahan akong bumitaw kay Colleen. Papasok na si Angela sa kotse ng lalaking kasama niya! Kailangan ko siyang maabutan.
Pero tagumpay siyang nakapasok doon. Pinagpapalo ko ang salamin ng pinto kung nasaan siya.
"Angela! Please, don't do this!" malakas kong sabi. "Angela...!"
Sige pa rin ang mag-usad ng sasakyan. Pilit ko pa rin habulin. Hanggang sa tagumpay na itong nakaalis. Nanghina na ako ng sobra. Hindi dahil sa pagod. Dahil sa pagsalo ko sa sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nanatili ang tingin ko sa sasakyan na papalayo. Dahil din sa panghihina ay napaupo ako sa kalsada.
"Paeng..." umiiyak na din si Colleen. Hinaplos niya ang aking likod. "Kasalanan ko kung bakit nagkaganito kayo..."
It hurts the most, when someone who made you feel special yesterday then makes you feel like you are the most unwanted person today...
Pilit kong hindi sumuko. Ayoko siyang bitawan. Pilit kong isisiksik sa isipan ko na galit lang siya. Bibigyan ko siya ng panahon at oras na mag-isip. Pagkatapos, mag-uusap ulit kami ng masinsinan. Kahit na masakit sa akin na isinauli niya ang singsing na ibinigay ko sa kaniya, hindi pa rin ako susuko. Lalo na't nalaman kong buntis na pala siya! Thanks to Keiran and Naya Ho for the info.
Ramdam ko ang hangin na dumadapo sa aking balat habang nanatili akong nakatayo dito sa gilid ng altar, I'm with my cousin, Gervais, my best man. Nag-umpisa na din kumanta ang wedding singer.
"From this moment, life has begun...
From this moment, you are the one...
Right beside you is where I belong
From this moment on..."
Kasabay na nagbukas ang pinto ng ginawa ng wedding organizer dahil beach wedding ang ganap ngayon. Lalo na't sa Calaguas ang location. Pareho kami ni Angela ang may gusto nito. Dahil malaking bagay sa amin ang lugar na ito. Dito ko siya nakilala nang lubusan.
"From this moment I have been blessed
I lived only for your happiness
And for your love
I'd give my last breath
From this moment on..."
"I give my hand to you with all my heart
Can't wait to love my life with you, can't wait to start...
You and I will never be apart...
My dreams came true because of you.."
She's started to walked in the aisle. Nagtama ang mga tingin namin. Pareho kaming napangiti sa isa't isa. Her beauty takes my breath away instantly. Hinding hindi ako magsisisi na siya ang pinakasalan ko. Lahat ng bagay na gugustuhin niya, ibibigay ko. Huwag lang na hilingin niya sa akin isang araw na hihiwalayan ko siya dahil hinding hindi ko ibibigay iyon. Kaya ipaparamdam ko sa kaniya na hindi rin siya masisisi na ako ang pinakasalan niya.
Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong mapaluha habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palapit sa akin. Damn it.
"From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing I wouldn't give
From this moment on..."
Colleen, kung nasaan ka man ngayon. I know you're happy. Lalo na't magkakaroon na kami ng anak. Pero hindi ko siya ng pinakasalan dahil sa kagustuhan o hiling mo... Pinakasalan ko siya dahil minahal ko na siya. Kahit ganoon, malaking pasasalamat ko dahil sa pamamagitan mo, nagawa kong makilala si Angela. Sa pangalawang pagkakataon, nagmahal ako at si Angela iyon...
"You're the reason I believe in love
And you're the answer to my prayers from up above...
All we need is just the two of us
My dreams came true... Because of you..."
Until she reached me. Mas lumapad ang ngiti niya nang nasa harap ko na siya. "Happy?" malambing niyang tanong sa akin.
"Sobra." sagot ko.
"Ako din, Raf." basag ang boses niya.
Napaawang ang bibig ko. "Angela..."
"Right beside you is where I belong, Raf... For the rest of our life. You are the only one I will ever love again. And I will always be proud to stand by your side."
Kahit na naluluha pa rin ako ay hinalikan ko kaniyang kamay. Thank you so much, God in heaven, for waking me up on this beautiful morning thinking about the new with my wife who I really love now and forever.
I can't wait to spend the rest of my life with you, missy.
I swear that I'll always be there. I give anything and everything, missy. And I will always care through weakness and strength, happiness and sorrow, for better or for worse. I will love you. With every beat of my heart. Because you to me. Because me to you.
** W A K A S **