ANG PAGTATAGPO
Katulad nang sinabi ni Leandro ay nagkaroon ng isang pagtitipon sa kaharian ng Tranavana. Ipinatawag niya ang lahat ng nasasakupan niya, upang ipakilala ang kanyang apo na si Edward.
“Mga mahal kong kapanalig, gusto kong ipakilala sa inyong lahat. Ang aking apo, na si Edward, siya ang pulang pangil,” makapangyahang sabi Leandro sa kanyang mga nasasakupan.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Leandro; may nagalak at may namuhi, katulad ni Jacob na labis na nagnanasa kay Lia, simula nang dumating ito ng Tranavana.
Si Lucas naman ay nagalak nang ipinakilala ang pulang pangil, dahil alam niyang ito ang makakatulong sa kanilang mga puting lobo. Ang pulang pangil ang makakapagpabalik sa katahimikan ng Alcona at pupuksa sa kasamaan ng mga itim na lobo.
“Dumating na ang tamang panahon. Upang magsanib pwersa ang mga bampira at putting lobo. Laban sa mga itim na lobo,” pahayag naman ni Haring Magnus.
Ngayong nasa tamang edad na si Edward, ay magagawa na nilang harapin si Agorn na patuloy na naghahasik ng kasamaan sa Lunaria. Si Edward naman ay walang hinangad kung ‘di ang makalabas ng kaharian, upang makita ang kagandahan ng Lunaria.
Natakot ang lahat nang ngumiti si Edward at makita ang pagkislap ng pulang pangil nito.
“Mga amang, p’wede na ba akong lumabas? Gustong-gusto ko talagang makita ang labas ng kaharian,” sabi ni Edward.
Nagkatinginan sina Haring Magnus at Leandro, at dahil nasa tamang edad na si Edward ay hindi na nila mapagbabawalan itong lumabas, katulad noon na umikot lamang ang buhay nito ay sa attic.
“Edward, malaki ka na, at kaya mo nang ipagtanggol ang iyong sarili. Kaya malaya ka nang makakalabas ng kaharian,” pagpayag ni Leandro.
Ngumiti si Edward. “Salamat, Amang Leandro,’’ pasasalamat ni Edward.
Hinawakan ni Haring Magnus ang mga balikat ni Edward. “Mag-iingat ka, kapag kinailangan mo ng tulong, umalulong ka lang. At darating ako,” wika ni Haring Magnus.
Tumango si Edward. “Salamat, Amang Magnus, makakaasa po kayo, ikaw an guna kong tatawagin kapag may nagtangka sa akin,’’ mabilis na tugon ni Edward sa ama ng kanyang ina.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Edward, ngayong binata na siya ay magagawa na rin niya ang gusto niyang gawin.
Wala nang nagawa sina Vladimir at Lia, kung ‘di ang pagbigyan ang kahilingan ng anak. Tiwala silang kayang ipagtanggol ni Edward ang sarili nito.
‘‘Mag-iingat ka, anak,’’ tanging nasabi ni Lia habang papalayo sa kanila ang kaniyang anak.
SA KAGUBATAN NG LUNARIA
Si Belle at ang kanyang mga kaibigan ay naisipang pumunta ng ilog upang maligo. Nakaalis siya ng kanilang tirahan dahil ipinatawag ang kanyang ama ng kanyang Amang Agorn. Simula nang may maramdaman ang kanyang ama na may sumusunod sa kanila ay hindi na siya nakakalabas mag-isa. Kaya labis ang kanyang kagalakan nang umalis ang kanyang ama, dahil makakasama siya sa kanyang mga kaibigan.
‘‘Belle, mabuti naman at nakasama ka namin ngayon,’’ wika ni Arabella, ang matalik na kaibigan ni Belle na may lihim na pagtingin kay Khalil.
Ngumiti si Belle. ‘‘Hindi na kasi ako pinapayagan ni ama na lumabas mag-isa, simula noong maligo kami dito sa ilog na may naramdaman siyang sumusunod sa amin,” paliwanag niya sa kaibigan.
“Ganoon ba? Pero mabuti na lang at nakasama ka rin naming,” singit naman ni Fiona, ang kaibigan niyang may lihim na inggit sa kanya, dahil halos lahat ng kalalakihan ay siya ang nagugustuhan.
“Oo,” matipid na tugon ni Belle sa kaibigan.
Hindi masyadong kampante si Belle, pagdating kay Fiona, dahil pakiramdam niya ay may nakakubli itong galit para sa kanya. Sa kaniyang mga kaibigan ay kay Fiona siya may pagdududa. Hindi katulad kina Arabella, Aviona, at Helga. Lima silang magkakaibigan ngunti sa tatlo lamang siya smay tiwala.
Mula sa malayo sa ilog ay nakamasid si Azul sa magkakaibigan, at labis niyang ikinagalak ito. Dahil alam niyang nasa Alcona si Wesley. Kaya magagawa niya ang nais niya kay Belle.
Masayang naliligo sina Belle ay wala siya kamalay-malay na may nagmamasid na pala sa kanya.
Maya-maya ay nakaisip silang magtaguan na magkakaibigan at si Belle ang unang naging taya. Nang tahimik na ang paligid at nagkubli na ang kanyang mga kaibigan ay nagsimula nang maghanap si Belle sa kanyang mga kaibigan.
Natanaw ni Belle ang malaking puno, kaya naisipan niyang pumunta roon uapang hanapin ang mga kaibigan.
Labis na natuwa si Azul nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Belle. Magiging madali sa kanya ang binabalak niya. Nang malapit na ito ay nagkubli muna siya sa damuhan upang hindi agad siya makita nito.
“Nasaan na ba kayo?” sambit ni Belle habang hinahanap ang mga kaibigan sa malaking puno.
Paalis na sana si Belle sa malaking puno ng may humarang sa kanya. Nakaramdam siya ng takot nang tingnan siya nito mula ulo pababa sa kanyang paa.
‘‘Kumusta ka na, Belle?’’ sabi ni Azul nang makalapit siya sa dalaga. Hindi nga siya nagkamali, napakagandang dilag ng kanyang kaharap ngayon. Ang kanyang pagnanasa para kay Alendra ay napabaling na ngayon sa kanyang anak.
Napalunok si Belle. “Kilala mo ako?” lakas-loob na tanong ni Belle sa isang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay kasing edad ito ng kanyang ama.
Ngumiti at tumango si Azul. “Matagal na kitang kilala. At ngayong nakita na kita, ay hindi na kita papakawalan,” wika ni Azul na labis na ikinatakot ni Belle.
Lumiwas si Belle upang bumalik na sa ilog, ngunit bigla siyang hinawakan ni Azul sa kanyang mga braso.
“Bitawan moa ko,” pakiusap ni Belle kay Azul na isang ekstranghero para sa kanya.
Ngumisi si Azul. “Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Kaya hindi ako papaya na hindi ka maging akin,” pahayag ni Agorn na punong-puno nag pagnanasa.
Hinapit ni Azul si Belle at nagsimula na siyang sunggaban ito ng halik sa leeg.
Nakaramdam na ng matinding takot si Belle, dahil sa ginagawang paghalik ng lalaki sa kanya.
Nagpumiglas siya. “Huwag! Maawa ka sa akin,” pagmamakaawa ni Belle na hindi pinansin ni Azul.
Tuluyan nang napaluha si Belle nang hawakan nito ang maselang parte ng kanyang katawan at walang sawang paghahalikan ang kanyang malulusog na dibdib.
‘‘Tulong!’’ malakas na sigaw ni Belle nang ihiga siya damuhan ng lalaki.
Nagpupumiglas si Belle nang pumatong sa ibabaw niya ang lapastangang lalaki.
‘‘Belle, ipinapangako ko, hindi kita sasaktan, ibigay mo lamang ang gusto ko,’’ sabi ni Azul at hinawakan niya ang dalawang hita ni Belle, upang paghiwalayin.
Umiling si Belle. ‘‘Hindi ko ibibigay ang gusto mo! Mas gugustuhin ko pang mamatay, kaisa mapapunta ako sa ‘yo!” malakas na sigaw ni Belle habang nagpupumiglas.
Nagtagis ang mga panga ni Azul at pilit na ibinuka ang hita ni Belle upang maging malaya siyang kunin ang pagkabirhen nito.
“Tulong!” muling sigaw ni Belle.
Ngumisi si Azul. “Walang makakarinig sa ‘yo, dahil iniwan ka na nila!” galit na pahayag ni Azul at tuluyan na niyang pinaghiwalay ang mga hita nito. ‘‘Akin ka lang!’’ muling sambit ni Azul at nagp’westo na siya upang pasukin ang p********e nito.
Tuluyan nang umiyak si Belle at ipinikit ang mga mata sa pag-aakalang mawawala na ang kanyang pinakainiingatan na p********e. Ngunit nagulat siya nang biglang tumilapon ang mapangahas na lalaking nagtangkang angkinin siya. At laking gulat niya nang may makita siyang matikas na lalaki na malakas na sinuntok ang lalaking nagtangka sa kanya.
Labis siyang nagpapasalamat sa lalaki dahil ipinagtanggol siya nito mula sa lalaking nagtangaka sa kanya.
Nang may marinig si Edward na sigaw ng isang babae na nangangailangan ng tulong ay agad siyang nagmadali upang puntahan ito kaya naman, labis ang kanyang galit na naramdaman nang makita niyang pinagsasamantalahan ito ng isang may edad na lalaki. Agad niyang sinipa ito nang malakas at pagkatapos ay pinagsusuntok.
Samantalang hindi makalaban si Azul sa lalaking dumating, dahil iba ang lakas nitong taglay. Labis siyang natakot nang magkislap ang pulang pangil nito.
Tumayo si Azul. “Ikaw ang pulang pangil,” takot nitong saad at pagkatapos ay tumakbo na palayo. Hindi niya sukat akalain na isang ganap ng binata ang pulang pangil. Wala na silang magagawa upang labanan ito, maliban na lamang kung magsama-sama silang lahat.
Nang makaalis na ang lapastangan na lalaki ay tinulugan ni Edward ang babae na makatayo.
“Nasaktan ka ba?” tanong ni Edward sa babae na ngayon lamang niya napagtantong napakagandang babe.
“Salamat, at iniligtas mo ako,” mabilis na tugon ni Belle at yumakap siya sa lalaki na nagtanggol sa kanya.