KEYCEE'S POV “Good evening, sir. Ano po'ng order n'yo?” narinig kong sabi ni Mae, kasama ko sa café. Siya ang in charge sa pagkuha ng mga order ng customer at sa akin naman magbabayad ang mga ito. Noong nagsalita na 'yong lalaki, napalingon agad ako. Si Ace. “Sa counter na lang po,” sabi ni Mae sa kaniya. Lumapit naman siya sa 'kin at mukhang hindi rin makapaniwalang nagtagpo na naman kami. “Perez?” “Yes po?” Ngumiti ako nang bahagya dahil sa ngayon ay kailangan ko s'yang itrato bilang customer. “What are you doing here?" “Part time po.” “Oh, I see.” Tumango siya at iniabot na sa 'kin ang card niya. Nang kuhanin ko 'yon, saglit akong natigilan dahil napansin ko na iyon ang black card na pinahiram niya sa 'kin dati. "Is there any problem?" Natauhan ako sa tanong niya kaya agad na

