KEYCEE'S POV "Sigurado ka, hubby?" Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. "Do I look like I'm joking?" Seryoso siyang sumulyap sa 'kin saglit bago muling ibalik ang tingin sa daan. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako at nalamang asawa ko na ang lalaking gusto niya. Na-eexcite naman ako dahil sa wakas, makikita ko na rin siya at p'wedeng-p'wede kong ipagmalaki sa kaniya na sa 'kin na si Ace. Pero s'yempre hindi ko naman gagawin 'yon. Kailangan kong mag-behave. "Kapag pinuntahan ko s'ya, gusto ko kasama kita. Para makilala ka rin n'ya dahil ayoko s'yang umasa na katulad pa rin kami ng dati. Mas lalong hindi makakabuti 'yon sa kan'ya." "Paano kapag hindi n'ya natanggap?" "Kailangan

