KEYCEE'S POV "Ay, oo pala." Natawa saglit si Marian bago ituloy ang sasabihin. "Sabi pa nga nila hindi raw Jian ang pangalan mo kun'di Keycee Dela Vega." Saglit akong natigilan sa sinabi Marian. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya naman tumawa na lang ako. "Keycee? Saan naman nila napulot ang pangalang 'yon?" pagkukunwari ko. Inangat ko 'yong juice sa harap ko at tinungga 'yon dahil sa kaba. "Kaya nga. Parang mga baliw. Nakipag-debate pa sila sa 'min at pinagpipilitang hindi Jian ang pangalan mo. Daig pa nila ang takas sa mental," komento ni Jezza. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang totoo? “Nasaan na sila ngayon?" baling ko sa kanila, hindi ko pinahahalata na ninenerbyos ako. "Umalis din agad kahapon no'ng hindi ka nakita," sagot ni Marian. Hindi na lang ulit ako ku

