KEYCEE'S POV "Pinapatawag ka ni dean." Saglit akong natulala sa sinabi sa 'kin ng student assistant. Nang makaalis siya ay agad kaming nagkatinginan nila Marian at Jezza. "May kutob ako na dahil sa picture kaya ka pinapatawag," sabi ni Marian sa 'kin at tumango naman si Jezza bilang pagsang-ayon. "Guys!" Hinihingal na pumasok sa room namin 'yong isang kaklase kong lalaki. May dala siyang bondpaper na medyo lukot. "Tingnan n'yo 'to!" Iniladlad niya 'yong papel sa harap ng mga kaklase ko at nagulat kaming lahat, lalo na ako dahil nakaprint doon ang picture namin ni Ace. 'Yon din ang pinakita sa 'kin ni Dianne na picture. Ibig sabihin hindi lang sa social media nakapost ang picture namin kun'di pati sa campus? Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at lumabas sa room. "Sa'n ka pupunta?" na

