Chapter 86 - Punishment

1624 Words

KEYCEE’S POV Dahil sa ginawa ni Ace na panlalapastangan sa ‘kin sa office niya, hindi na ako nakaidlip dahil napag-abutan na ako ng oras ng klase. Ngayon tuloy ay hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng teacher namin sa harapan dahil pinipilit ko na lamang idilat ang mga mata ko na kanina ko pa gustong tukuran ng palito ng posporo para lang manatili akong nakadilat. “Bes, hindi ko na talaga kaya. Antok na antok na ‘ko…” baling ko kay Marian na akala mo naman seryosong nakikinig sa discussion, pero nagpapanggap lang naman, pati si Jezza. Luminga naman siya at itinuro sa akin ang puwesto ng mga kaklase naming kalalakihan na nasa likuran lang din. May tatlong armchair na bakante sa likuran nila at binulungan ako ni Marian na lumipat doon para umidlip. “Hindi ka makikita ni ma’am kapag nak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD