RYAN'S POV “Hoy, Keycee! Sabi ko, tara na. Bingi ka ba?” “Ha? Ah oo, nand'yan na.” Sumunod na agad siya sa 'kin pero halatang nawala na naman sa sarili. Tsk. “Wow, mukhang masarap, ah!” Sabi ko habang nakatingin sa mga pagkaing nasa mesa. Umupo na kami ni Keycee, napangiti naman si tita habang nakatingin sa 'min. “Sige, kain na kayo. Magtitimpla lang ako ng juice.” Nakaupo kami ni Keycee at nagsimula ng kumaun, si tita naman ay nakatalikod sa 'min. “Kailan ka papasok, Keycee?” tanong ko. “Pumapasok naman ako, ah,” tipid niyang sagot habang kumakain, sa plato siya nakatingin. “I mean, sa school na pinapasukan ko. 'Di ba sabi mo magta-transfer ka para maging magkasama tayo?” Si tita naman ang biglang sumagot. “Baka sa second sem na siya lumipat, Ryan. Alanganin na kasi dahil matatap

