FIRST DAY OF SCHOOL

1368 Words
I'LL NEVER BE FOOLED AGAIN ALLEN's POV "Hayssst! Umaga na pala at ang masaklap pa dito is ngayon ang first day ng pasukan" napabuntong hininga nalang ako habang inaabot ang cp ko'ng nasa ibabaw ng study table, malapit lang nmn ito sa kama ko kaya't agad ko itong naabot. Inopen ko ito at bumungad sakin ang oras, 5:35 na pala, kailangan ko nang bumangon pra maghanda sa pagpasok. Agad na akong tumayo at lumabas ng kwarto, at agad na nagtungo ng CR para maligo, nang matapos na akong gawin ang morning routine ko agad na akong lumabas. Nakita ko si nanay na nagwawalis sa labas, lumapit ako dito at nagmano, agad na akong nagpaalam na aalis na ako. Medyo malayo layo ang paaralan hanggang dito samin kaya kailanagang sumakay pa ng Jeep at Motorsiklo para maagang makarating sa School. "kuya ito po bayad "- sabay abot sa driver ng motorsiklo 7:00 ang start ng class namin at ilang minuto nlang ay mag start na. Nakakainis lang kasi ang tagal dumating ng jeep at motorsiklo kaya naghintay ako sa paradahan ng sasakyan ng ilang oras. Haysssss! Hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko, Ako nga po pala si Allen Jay Rosales, i'm 16 yrs. Old at opo! Hindi po kayo nagkakamali ako po ay isang Gay,bakla, bading hehhe kung anu pa man po iyon at ako po ay Grade 10 student ngayong pasukan sa EAST BLUE NATIONAL HIGH SCHOOL, lakas maka yaman ng school namin noh? Pero sa totoo hindi po ito Private hehehe pero hindi mo masasabing pipityuging school lang ito kasi maraming malalaking buildings, may mga puno na matatayog, may mga istandbayan rin po dito at may dalawang malaking canteens. Marami rin ditong mga gwapo heheh at syempre isa na dun ang ultimate crush ko since last year na si Justine Bryle Mapa Montecarlo, marami ring magagandang babae, makikinis, maputi at yayamanin ang mga itsura haaaysss mapapa "sana all" ka nlang tlga hehehe. Pra po sa karagdagang kaalaman tungkol sa akin, Ahmp hindi ko po hilig ang mag cross dress ewan ko kung bakit pero ayaw ko talaga dahil gusto ko lamang po ay maging simple at malayo sa mga taong mapanghusga hehhe. Kung papasok nmn po ako sa school ehh lipstick lang po ang ina apply ko pero hindi nmn pulang pula sakto lang na hindi maging maputla ang lips kong tingnan at kung feel ko naman na medyo huggard na fezzz ng lola niyo naglalagay din po ako minsan ng face powder yung Johnsons baby powder, yun! sa pananamit ko nmn pag walang pasok tanging oversized shirt lang nmn ang sinusuot ko at cycling short at minsan maikling short, pero take note niyo po ito: sa loob ng bahay lang po ako nagsusuot ng ganun hehehe nakakahiya nmn po kong lumabas akong ganun ang suot ko hindi nmn sa nahihiya ako sa kutis ko eh sa totoo lang may maputi at makinis akong balat ang ayaw ko lang is yung pagtinginan ako ng mga tao sa labas dahil hate ko yung nakaka agaw ako ng attention at sa akin lahat nakatingin (A/N : huwag niyo sanang masamain hehehe) haysss dahil likas po akong mahiyain at hindi po ako masyadong nakikipagkaibigan sa taong halata palang eh may masamang ugali ganun po ako ka sensitive. So yun po! Back to the story na po tayo. Papasok na sana ako nang harangin ako ng isang Guard ng school na halatang bago lang ito dito. "Nasaan ang ID mo? " - saad nito na halatang galit at mahirap na bigyan ng joke Kinapa ko ang uniporme ko hanggang sa leeg ko ng wala akong mahanap na ID na nakasabit sa leeg ko. Nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko at natatakot din na baka hindi ako makapasok dahil ilang minuto nlng ay mag start na ang class. "Naku naman!bakit ngayon pa? Tiyak na hindi ako makakapasok pag hindi ako gad makagawa ng paraan " - pagkakausap ko sa sarili ko. "Ahh huhhh! May naisip na ako at sana lang ay gumana ang palusot na naisip ko haysssttt." pagkausap ko sa sarili ko. Lumapit ako sa guard nang may kaba at takot kaya kinakabahan akong nagsalita. "ahh sir sorry po kasi transferee po ako dito kaya wala pa akong ID tulad nila "- sabay turo sa studyanteng pinapasok niya at isinara agad ang gate. Halata namng medyo naniniwala ang guard na ito sa palusot ko hehehhe hoooo! Ang galing ko talagang umarti. "ahh ganun ba? Pasensya kna kasi bago lang kasi ako dito at hindi ko pa kabisado ang lahat ng studyante dito" - sabay ngiti sakin. " hehehe okay lang po yun hehe at sir pede bang pakibukas na po yung gate kasi 8 mints. Nlng ay mag start na ang class namin " - saad ko dito na mah ngiti sa labi " ayy sorry iha! Hehe sgi pasok kna baka ma late kpa " saad nito sakin habang nakangiti "Salamat po sirr " sabay pasok at takbo papuntang room. Halatang ako nlang ang studyante dito sa labas dahil nasa kanya kanya nang room ang studyante dito. Binilisan ko pa ng pagtakbo ko papungang room na papasukan ko at nang malapit na ako ay huminto na ako kakatakbo at huminga ng maraming beses para mawala ang pagud ko. Nang makahinga na ako ng maayos ay agad akong pumunta sa pintuan at nagsalita. "Excuse me Ma'am Goodmorning, sorry 'im late "- saad ko sabay yuko dahil pinagtitinginan na ako ng mga kaklasi ko sobrang nakakahiya. "Goodmorning din sayo sa susunod ahh? Wag kanang mag papalate " - saad nito at nakatingin sakin na nagsasabing pede knanag pumasok. Agad na akong pumasok at naghanap ng bakanteng upuan pero wala akong makita at nag lakad ako hanggan sa dulo ng may nakita akong isang bakanteng upuan at agad na umupo at nakinig sa teacher na nasa harapan namin. Mabuti nlng at hindi ako pinapunta sa harapan para magpakilala haysstt buti nlng talaga kung nangyari yun ehh magpapakain ng ako lupa dahil sa sobrang hiya. Natapos na ang first subject namin at napabuntong hininga nlang ako habang inilalagay ko ang notebook na ginamit ko knina, matapos ko ilagay ang gamit ko ay pinagmasdan ko lang muna ang aking mga kaklase na busy sa pag cecellphone, pakikipag usap sa katabi at yung ibang mga lalaki naman ay nag uusap usap tungkol sa crush daw nilang transferee dito sa school. Nang mapadako ang tingin ko malapit sa bintana ay nahuli ko ang isang lalaki na nakatingin sakin, at nang nagtama ang tingin namin agad itong nag iwas ng tingin at halata sa kanya ang walang ekspresiyon na mukha agad na ibinaling nito ang sarili sa kanyang cellphone. Hindi ko nlng pinansin yun at kinapa ko sa bulsa ko ang aking cellphone at naglaro ng games sa cp ko para hindi ako masyadong ma bored dito hayysss biglang naisip ko ang bestfriesnd ko at kung anong section kaya siya at sana naging magkaklase nlng kmi. Bumalik ako sa aking ulirat ng may biglang magsalita sa harapan namin. " Goodmorning 10 - Einstien? " - saad nitong science teacher namin " Goodmorning ma'am Petronio " - saad naming lahat habang nakatayo "okay take your sit " saad nito at agad na kaming lahat umupo Binaling ko ang aking sarili sa pakikinig sa mga sinasabi ng teacher namin at nagtitake down notes. Natapos ang bunong klsi ng pakikinig, pagsusulat at yung ibang subject namn hindi nag lesson kundi nag intorduce yourself isa isa hayssst! Sobrang kaba ko knina halos mahimatay ako sa harapan nila dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ewan ko pero biglang bumilis lalo ang t***k ng puso ko ng nakatotok ng tingin sakin yung lalaking nahuli kong nakatingin sakin. Hayssss! Parang may iba ehh! Ngayon lang ako nkaramdam ng ganito sa ibang tao. Nakauwi ako ng bahay na magdidilim na kasi bumili pa ako ng paborito kong krimstikcks at tiyaka Cloud 9 tig iisang supot. Nang matapos na akong kumain agad akong humiga sa kama ko at agad na dinalaw ng antok. To be continue ------------- Salamat po sa pagbabasa sa aking first story sana po ay wag po kayong magsawa sa pagbabasa, at kung gusto niyo pong i dedicate ko po kayo sa chapter 2 ng story ko, magcomment lang po kayo at gagawin ko po. Salamat po. -yarajjuames
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD