DOSE 5
Hindi ko na tinapos ang semester at nagpadala na ako ng dinoktor kong exuse letter at luma kong doctor certificate na tinapalan ang date.
Pebrero bente tres ako lumakad para lihim na pumunta ng Antique. Walang ka-alam alam si Mama sa gagawin ko, tanging si Salome lang ang nakakaalam.
May naipon naman na ako at sapat na siguro 'to sa pananatili ko sa Antique para hanapin si Asia.
Pinakiusapan ni Salome ang Kuya niya na patuluyin ako sa boarding house ng barkada nito at hindi naman siya binigo nito.
Malawak ang Antique, kaya hindi ko alam kung saan ko sisimulan. At hindi ko rin tiyak kung gaano katagal ako mananatili sa Antique.
Hinayaan ko na muna ang pag aaral ko, babalikan ko na lang sa summer. Wala na akong pakialam basta mahanap ko si Asia.
"Handa ka na bang makita siya?" Tanong ni Salome.
Ang totoo? Hindi.
Natatakot ako na baka ibang Asia na ang makita ko.
Natatakot ako na baka hindi na ako at may iba na siya.
Natatakot ako na baka nagbago na ang lahat.
Pero sa kabila ng mga posibilidad, isa lang ang rason kung bakit gusto ko pa siyang hanapin.
Kasi babawiin ko siya.
"Oo naman."
"Mag iingat ka, makitawag ka sa barkada ni Kuya."
Mahigpit itong napayakap sa akin, naramdaman ko ang marahang pag taas baba ng kanyang mga balikat at pagkawala ng mahinang hikbi.
"Dennis, alam kong tuluyan na akong mawawalan ng pag-asa sayo kapag umalis ka na. Natatakot ako na magkita kayo, kasi labis akong masasaktan. Pero mahal kita, at hindi ko kayang makita ka na habang buhay na miserable. Unti-unti akong pinapatay ng pag iyak mo dahil kay Asia. Dennis. . . Mahal kita."
"Salome,"
Ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko. . . Sorry.
"Salamat sa pagmamahal mo, na aappreciate ko 'yon, pasensiya ka na at hindi ko kayang tumbasan yan ngayon. Salamat sa lahat."
Nagpatuloy ang paghahanap ko kay Asia sa Antique, nakituloy ako sa boarding house ng barkada ng kuya ni Salome kagaya ng bilin nito.
"H'wag ka mag alala P're, bukas na bukas pupuntahan natin sa School si Euro kung saan ko siya nakita." Saad ni Terman.
Siya ang barkada ng kuya ni Salome na si Sante.
Sila ang tutulong sa akin para makita ko si Euro. Kung na sa Antique siya, malaki ang posibilidad na dito na sila lumipat.
"Maraming salamat, Terman."
Kinaumagahan ng Pebrero bente kwatro ay tumulak kami ni Terman sa University of Antique. Nagtanong tanong kami sa mga studyante kung kaklase o kilala ba nila si Euro Plaridel at Asia Plaridel.
Ngunit kahit isa sa kanila ay "hindi" ang sagot.
Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, alam kong may mahahanap kami ngayong araw.
Nahihiya ako kay Terman dahil lumiban pa talaga ito sa klase para lang samahan ako. Hindi pa raw siya nagseseryoso sa mga babae, pero naiintindihan niya daw ako.
"Wala na tayong choice kundi mag tanong sa admin, Dennis." Presenta ni Terman.
Agad kaming nagtungo sa admin para magtanong, ngunit confidential daw ang mga information ng student.
"Ma'am, gusto lang po namin malaman kung may nag enroll dito na Plaridel. Asia Plaridel at Euro Plaridel, please Ma'am parang awa niyo na, dalawang taon ko na silang hinahanap."
"Mawawalan ako ng trabaho kapag pinagbigyan ko kayo."
"Ma'am, taga Iloilo pa po si Dennis. Dalawang taon niya nang hinahanap ang nobya niyang naglaho, at namataan ko ng isang buwan na dito nanggaling si Euro Plaridel. Nais lang po naming kumpirmahin kong siya hu iyon." Saad ni Terman.
"Wala po akong balak na masama, wala po akong intensiyon kundi makita ko lahg si Asia." Hindi ko na napigilan ang unti-unting pagkabasag ng boses ko.
"O siya, but please. . . Wala kayong pagsasabihan ng regulation na ito."
May mga kinalkal siya sa drawer at hinanahanap na folders.
"Euro Plaridel, BSAG-ED."
Tila nabuhayan ako sa binasa ng teacher.
"Ito ba?"
Pinakita nito sa amin ang passport ID picture ni Euro.
Siya nga!
"Opo!"
"Nag enroll siya dito last two years ago, nag aral siya sa loob ng isang taon. Pero hindi niya natapos at nag drop out, ayon sa record. Last month nakita mo siya?"
"Opo, sa gate." Sagot ni Terman.
"Nag process siya ng papers para mag transfer ng school."
"Saan pong school?"
Nagkibit balikat lamang ang Teacher at may hinanap sa likod ng Folder.
"Hindi na niya na sabi kung saan."
Bagsak ang mga balikat ko ng umuwi sa boarding house. . . Saan ko hahanapin ang mga ayaw magpakita?
Hindi ko na naman mapigilan ang sarili. . . Pagod na pagod na ako kakahanap sayo Asia.
Bakit ba ayaw mong magpakita sa akin!
"P're ayos lang 'yan, kaunti lang ang university dito sa Antique kaya h'wag kang mawalan ng pag-asa. Iisa-isahin natin 'yon."
Ginawa nga namin ang pag isa isa sa mga universidad ng Antique, haloa limang araw kaming nag hahanap at palibot-libot lang, pero wala kaming napala.
Hanggang sa nakarating kami sa St. Peter University, paaralan ng mga seminarista. Ito na lang ang huli---- at pinaka pag-asa namin. Kung wala ay uuwi na ako ng Iloilo dahil pa ubos na ang budget ko.
Kinausap kami ng kanilang principle at kura na si Rev. Narciso.
"Hinanap niyo si Rev. Brother Euro? Maupo kayo at ipapatawag namin siya, sa ngayon ay na sa asignaturang Pilosopiya sila kaya hindi natin siya pwedeng istorbohin, kung marapatin ninyo ay maghintay kayo dito hanggang sa dumatihg siya."
"Salamat, po Padre."
Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko, hindi ko eksaktong alam kung ano ang sasabihin ko kay Euro. Hindi ko alam na may balak pala siyang mag pari, kung gayong nandito na siya sa siminaryo, nasaan ang mga magulang niya? Nasaan si Asia.
"Kalma lang P're, makikita mo na si Asia." Saad ni Terman.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala sila ni Salome, ang pagpapatuloy niya sa akin sa boarding house niya ay malaking tulong na sa'kin para mahanap ko si Asia.
Halos isang oras kaming naghintay ni Terman sa opisina ng kura bago lumangitngit ulit ang pinto at iniluwa nito ang lalaking naka kulay puti na sa hula ko ay uniporme ng mga siminarista.
"Euro," mahinang bulong ko.
Siya nga.
"Dennis?"
"Magandang hapon, brother." Saad ni Terman at kinumusta si Euro na agad namang tinanggap nito.
"It's been a long time, hindi na ako nakapagpaalam sayo ng lumuwas na ako last few years, ano pong maipaglilingkod ko sainyo?"
Hindi lang ikaw ang hindi nagpaalam, Euro.
Ibang iba na ang kilos at pananalita nito, kesa ng huli naming pag uusap. Madalas ay hindi ito ngumingiti na kabaliktaran naman ni Asia. Tahimik at tila napakaarogante. Pero sa kanilang pamilya siya lang ang tanging makikiusapan ko.
"Euro, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hinahanap ko kayo----si Asia. Matagal na."
Dama ko ang bawat frustration at pag-asa, na kahit ngayon lang ay maki ayon ang panahon sa akin.
"Hinahanap? Nawawala si Asia?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Euro. "Bakit mo kami hinahanap?"
Hindi ko maintindihan si Euro ng mga oras na iyon. Ang alam ko lang ay gusto ko na ng impormasyon na makakapagturo sa akin kung nasaan so Asia.
"Sa labas tayo mag usap."
Naiwan si Terman sa mga kura at tila nag e-enjoy naman ito na pinag uusapan kung gusto niya ba mag pari.
Sa harden kami dinala ng mga paa, hindi na ako makapaghintay sa mga sasabihin niya.
"Ano ang ibig mong sabihin, Dennis?"
"Matagal ko na kayong hinahanap. Nawala kayo ng parang bula sa Jaro. Ni hindi nakapagpaalam sa akin si Asia."
Gumuhit ang pag aalala at tila hindi ako maintindihan ni Euro.
"Dennis, one week bago ang sixteenth birthday ni Asia, umalis na ako sa bahay. Hindi ko na kasi kaya ang pressure bilang panganay ng nawalan ng trabaho si Papa."
Mahinahon ngunit bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"May dalawang taon na nga akong hindi na nakakauwi, ang alam ni Mama mag aaral ako dito ng malayo kina Papa. Hindi kami lumipat Dennis."
"Anong ibig mong sabihin?"
"All I thought is nawawala si Asia. Pero ang lumipat ng tirahan? Hindi. Nando'n pa rin sa Jaro sina Asia."
Parang nalukot ng unti-unti ang puso ko. Kung nando'n siya, possible kayang ayaw lang niya talagang magpakita sa akin?
"Ilang buwan mo na bang hindi nakikita si Asia, baka nagtampo na naman kay Papa at naglayas 'yon."
Buwan?
Wala siyang alam na mahigit dalawang taon nang nawawala si Asia?!
"Bakit hindi mo alam na nawawala sa Jaro ang pamilya mo, Euro?" Nabasag na ang boses ko sa emosyong hindi mapigilan.
"Dennis, na sa Jaro sina Asia at Papa. Si Mama nag abroad siya, doon siya nagtuturo sa Hongkong. Impossibleng nawawala doon si Asia, dahil regular akong may contact kay Papa."
Tila hindi ma proseso ng utak ko ang mga sinasabi ni Euro.
"Baka naman nag away kayo."
"After her sweet sixteen, hindi na siya nagpakita saakin. Hindi siya nakarating ng graduation, at higit sa lahat araw araw akong nasa labas ng bahay niyony nakakandado. At wala ng tao."
Bakas ang pagguhit ng pag aalala sa kanyang mukha't tila hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Regular ang communication namin ni Mama at Papa. Wala silang nababanggit na lumipat o kung nawawala man si Asia. Sa katunayan consistent Deans Lister si Asia sa klase niya sa University of Jaro Iloilo."
Tila may sumibol na kung anong kaba sa aking dibdib dahil sa mga sinabi ni Euro.
"Deans Lister?"
"Oo, Dennis."
"Anong kurso?"
"Nag BSBA si Asia, pinadalhan ko pa nga ng mga bagong halaman bilang gantimpala ko sa mga tagumpay niya."
Asia. . . This can't be!
"Euro. . .Sa Jaro University ako nag aaral, at walang Asia na nag aaral doon. Maniwala ka, dalawang taon na siyang nawawala."
"Dennis, iniwan namin siya kay Papa dahil 'yon ang gusto niya! Ayaw niyang mapalayo sayo, sa Jaro siya mag aaral at mas piniling hindi sumama sa'kin dito sa Antique dahil ayaw niyang mapalayo sayo."
Napabuntong hininga ito at tila hindi pa rin na proproseso ang mga sinasabi ko.
"Nakakausap mo pa ba si Asia?" Tanong ko kay Euro.
"Ng nakaraang buwan may sulat siya saakin, na nakikiusap na kunin ko si Erapsus sa Jaro dahil hindi na niya kayang alagaan."
Tuluyan nang nagiba lahat ng depensa ko. . . Totoong nasa Jaro nga si Asia.
"Pero dahil hindi kami basta basta nakakauwi at labas dito sa siminaryo, hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Hindi ko siya napuntahan."
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. Nang gigigil ako at gusto kong magwala!
"Dennis?" Mataman ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat.
"Maniwala ka Euro, nawawala ang pamilya mo sa Jaro."
"Tatawagan ko si Papa ngayon, gustong kung makinig ka."
Dinala ako ni Euro sa opisina nila at nakiusap sa kanilang kura na may emergency at kinakailangan niyang tumawag sa Papa niya.
Gamit ang telepono ay bahagyang inilapit ko ang aking tainga upang marinig ko.
"Hello, Pa?"
"Napatawag ka, Euro? May problema ba?" Boses ng Papa nila sa kabilang linya.
"Ah, gusto ko lang sana makausap si Asia? Nandiyan ba siya?"
"Wala siya rito, nag paalam kanina na may aasikasuhin sa school. Bakit may sasabihin ka sa kanya?"
"Ah, tatanong ko lang kung kumusta sila ni Dennis."
"Hindi ko alam, 'nak. Pokus ang kapatid mo sa pag-aaral ngayon."
Hindi na ako nakinig sa mga sasabihin ng Papa niya, wala na akong ibang maramdanan kundi galit at pagkamuhi. Kasinungalingan lahat lahat ng sinasabi niya!
"Narinig mo ng malinaw, Dennis. Hindi nawawala ang kapatid ko."
"Sa tingin mo ba Euro, aabot ako ng Antique at lilibutin ko lahat ng university rito para lang sa mga hindi totoong bagay?"
Napapailing ako sa kanya.
"Kung ayaw mong maniwala, itutuloy ko pa rin ang paghahanap ko sa kanya. Dalawang taon nang walang tao sa bahay niyo, wala doon ang Papa mo! Wala sa Jaro University, wala sa BSBA department, at walang deans lister na Asia doon! Sana maliwanagan ka. Kasi mabuti sana kung nandito si Asia at ayaw lang magpakita saakin, mabuti sana kung alam mo ang totoo kung nasaan siya at ayaw mo lang sabihin. Pero ang sinasabi mong nandoon siya? Walang katotohanan na mas nakakapagpadagdag ng takot ko."
Umalis kami ng siminaryo ni Terman, wala na akong aaksayahing panahon kundi bumalik sa Jaro. Hindi ko na hinintay na abutan pa ng umaga, sa lahat ng narinig ko kay Euro hindi na ako nilubayan ng mga katanungan.
Bakit kailangan magsinungaling ng Papa nila? Ano ba ang nangyayari at nagtatago sila!
"P're maraming salamat, ah. Tananawin kong malaking utang na loob ito sa'yo Terman."
"Wala 'yon, sana mahanap mo na si Asia. Balik kayo dito kapag nahanap mo na siya ng ma kwento ko naman kung paano mo siya hinanap sa lahat university ng Antique."
Tanging ngiti na lamang at mahinang tawa ang naisagot ko kay Terman. Hinatid niya ako sa terminal ng bus, pasado alas dos na ng hapon. Ilang oras pa ang byahe ko, parang gusto kong paliparin na lang ng driver ang bus.
Kunti na lang alam ko sa sarili ko na mauubos na ako. . . Sana mahanap na kita Asia.
Agad akong dumiritso sa bahay nila Asia pagkarating ko ng Jaro. Wala akong inaksayang oras.
"Asia! Lumabas ka diyan!"
Halos magiba ang gate sa lakas ng pagkalampag ko rito.
"Magpakita ka naman sa'kin, oh."
Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko kung hindi lumuha.
"Asia!"
Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina ko. Ubos na lahat ng pag-asa na mayroon ako.
Paano ko hahanapin ang ayaw naman magpakita.
"Hijo, umuwi ka na. Walang tao diyan! H'wag ka mag eskandalo, tatawag kami ng tanod."
Ngunit hindi ako nakinig, tumayo ako at kinalampag ang gate. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mahanap at makita siya.
"Asia! Magpakita ka na sakin, hindi ko na kaya!"
Pagod na pagod na ako!
Pagod na ako na mabuhay dala ang alaala mo.
"Toy, tama na." Naramdaman kong may umakay sa'kin palayo sa gate.
May tatlong tanod sakay ng patrol nila ang tumigil sa bahay nila Asia.
Nagpumiglas ako at buong pwersang kinalampag ang gate.
"Asia!"
"Dalhin niyo na sa barangay 'yan, kanina pa 'yan nag e-eskandalo."
Dinala ako ng mga tanod sa barangay. Gayon pa man, tila nawala na ang lahat ng lakas ko. . .
Nawawala na lahat ng pag-asa na makita ko pa siya.
Paano ko hahanapin ang taong ayaw magpakita.
Halos dalawang oras na ako sa barangay ng may pumasok sa front door, agad na nagtama ang aming mga mata.
"Dennis!" Padarag itong yumakap sa akin.
Sa mga yakap niya, saka ko lang naramdaman ang lahat ng pagod ko simula Antique hanggang sa malaman ko na nagtatago lang si Asia at ayaw magpakita saakin.
Sa mga yakap niya tuluyan kong naramdaman na walang wala na ako, na tuluyan nang naubos ang kakayahan at lahat ng rason ko para manatiling humihinga. . .
Wala na ang taong nagsilbi kong pahinga at dahilan para mabuhay. Wala na si Asia.
"Dennis, ano ang nangyari?"
"Wala na Salome. . . Wala na akong pag-asa na mahanap siya."
Bumagsak ang ulo ko sa balikat niya, ayaw kong ipakita lahat ng kahinaan ko, ngunit papaano ako magiging matatag kung wala na ang babaeng nagsisilbing lakas ko?
DOSE 5: I will roam the WHOLE ANTIQUE just to find you my Asia