Jay jay povs... Habang hawak hawak ni Braiser yung kamay ko ay para kaming nasa movie na naka slow motion ang bawat paligid na tanging ngiti lang ni Braiser yung nakikita ko sa mga oras nato. Ilang saglit lang ay bumalik na sa dati ang lahat binitawan nadin ni Braiser yung kamay ko at nag punta na kami sa mga rides. Inuna namin yung Carrousel yung umiikot na may mga kabayo kabayo. Kung titignan ko yung dalawa ay ang saya saya nila na parang mga bata lang kaming tatlo. Habang naka tingin ako sa dalawa ay napansin nila akong naka tingin lang sakanila at di nakikitawa kaya naman nagulat nalang ako bigla nang kaladyain ako ni Braiser. Hoyy anong tinitingin tingin mo! Bakit dika makitawa samin ha! "Haha wala hmm ang saya nyo lang kaseng tignan bagay kayo." Haha sira mas bagay tayo bra..

