Josh pov...
Pag kagising ko dumiretso agad ako sa kusina para kumain pero pag dating kudun si mama ang nadatnan ko naka dukdok at tulog.
Ma akyat ka sa kwarto dun ka matulog bulong ko?
Hmm anak gising kana pala kain kajan may hinanda si mama. Malumanay niyang pansin sakin
Ma ok kalang ba? Kain tayo? Aya ko sakanya
Cge lang anak kain kalang pasensya kana sakin ahh nasagot mupa papa mo kagabi dahil sakin. Paumanhin niya na di naman kailangan talaga dahil naiintindihan kudin siya
Ahh ok lang po yun ma, saka mama kita ayokong sinasaktan ka sige ma akyat muna ako kunin ko bag ko tapos pasok nako. Saad ko sabay kiss sa noo nya.
Cge anak ingat ka ahh mahal na mahal ka ni mama.
Pag akyat ko nang kwarto narinig kong umiiyak si mama at alam kong dahil yun sa nang yari kagabi mahal na mahal ko si mama kaya pag umiiyak siya ay diko nadin mapigilan ang luha ko.
Para kay mama hahanapin ko kung sino yung first love niya nayun at pag nahanap ko siya tatanungin ko sya kung bakit niya pa kami ginugulo lalo na si mama.
Sana masagot niya ako kung bakit at kung hindi diko nalang alam magagawa ko sakanya kahit sino pa siya.
Pag kakuha ko nang gamit ko dumiretso nako sa School.
Wala ako sa mood mag aral buong araw. Naka tunganga lang ako sa bintana mag hapon diko alam iniisip ko padin si mama.
Ash pov...
Hapon na naman at mag tatagpo na namam kami ni Josh kaya agad agad akong nag tungo sa AD 202 pagkatapos kong mag miryenda sa Cafeteria.
Pag pasok ko sa room nakita ko si josh sa bintana naka tunganga na parang timang kaya nilapitan ko siya at binatukan.
Pero hindi niya ako pinansin at parang wala lang nangyari.
Tumingin lang siya saglit sakin saka tumulala uli sa bintana.
Mukang may problema ata si gangster ahh. Tatanungin kuba o hindi?
Bahala na nga? Haha
Hoy gangster problema mo? Kausap kong muli sakanya
Tumingin lang siya sakin nung narinig niya yun at di niya ako pinansin.
Hoy gangster kako anong problema mo at nag eemo kajan? Kulit kong muli sakanya
Pero pagka sabi kunun tinignan niya nalang muli ako at hindi niya ako pinansin.
Kaya ang ginawa ko pinitik ko tenga niya para pansinin niya ako.
Pero wala padin nang yari di padin niya ako pinansin bahala nga siya na nga lang tinatanong ehh arte arte daig pako.
Kaya naupo nalang ako at tinitigan siya nag isip isip nang paraan kung ano dapat gawin haha.
Di nag tagal naka isip ako nang paraan haha alam kuna.
Josh pov...
Habang naka tunganga ako sa bintana nakita ko si ash na papasok at dinga ako nag kamali na mapapansin niya ako.
Lumapit siya sakin at agad niya akong binatukan pero lumingon lang ako kumyari at hindi na siya pinansin.
Hoy!! gangster problema mo? Sigaw nya dahil hindi ko siya pinansin
Muli akong tumingin sa bintana at muli siyang di pinansin.
Hoy!!gangster kako problema mo at nag eemo kajan? Sigaw niya uli pero diko uli siya pinansin nilingon ko lang siya saglit at tumulala ulit sa bintana.
Akala ko titigilan niya nako pero di pala.
Pinitik niya ako sa tenga pero diko yun ininda kahit masakit naman talaga haysst.
At muli akong tumunganga sa bintana at hindi siya pinansing muli.
Sa pagkakataong yun tumigil na siya pero nasa tabi ko padin siya naka titig at mukang nag iisip nang kung anong kagaguhan.
At di nga ako nag kamali hinila niya yung kamay ko at dinala niya ako sa parking lot.
Di nalang ako nag salita at pinabayaan siyang gawin kung ano gusto niyang gawin wag lang rapepin at bubugbugin ko siya.
Agad niya akong hinila sa loob nang kotse niya at medyo nagulat ako dun demonyong bakla to kung ano ano ginagawa bubugbugin ko talaga siya pag nilibog niya ako.
Nagulat ako nung lumapit siya sakin papalapit siya nang papalapit konti nalang mag lalapit na kami nang mga katawan.
Nang medyo malapit niya nako mahalikan tinulak ko siya akala niya naman papabayaan ko siyang gahasain ako haha kapal niya madaming babae nag kakandarapa sakin tapos bibigay kulang sakanya yuck haha..
Hoy!! ano kaba bakit moko tinulak ikakabit kulang seatbelt mo eh!!! Sigaw nya na nag aalburoto
Alam kubang ikakabit nya seatbelt ko ehh kung halikan niya ako yuckk kadiri.
Haha pero mali pala ako haha ikakabit niya lang pala seat belt ko.
Tinignan kulang siya at kinabit na seatbelt ko. Di na sya nag salita at mukang nagulat sa ginawa ko haha.
Katapos nun tumunganga nalang uli ako sa bintana nang kotse niya haha nasisiraan na ata ako nang ulo bintana nalang lagi tinitignan ko.
Ash Pov...
Agad kong hinila si josh at di naman siya pumalag nung ginawa kuyun kaya patuloy kulang siya hinila papunta sa parking lot at hinila ko siya pasakay sa kotse ko.
Naka tulala lang siya na parang sira ulo kaya pinabayaan ko nalang at di kina usap ok naman na eh sumama na haha.
Tinitigan ko siya ang gwapo pala ni josh kasarap gahasain haha pigilan niyo ako.
Napansin kong dipa nag siseatbelt si josh kaya agad akong lumapit sakanya para abutin seatbelt niya at ilagay sakanya yun.
Nag slow motion ang paligid nararamdaman ko t***k nang puso ko at ramdam ko ang hininga ni josh naakit ako dahil malapit lang sakin yung lips niya yung lips niyang napaka sarap haha mygosh pigilan niyo ako.
Papalapit nako nang papalapit sa Lips ni josh este sa seatbelt pala pero bago kupa mahalikan si josh este bago kupa makuha seatbelt niya ay tinulak niya nako nang pagka lakas lakas.
Nahawakan panga nya dede ko eh haha sakit wala pala ako dede.
Hoy!! Ano kaba bakit moko itinulak? Ikakabit kulang seatbelt mo ehh!! Singhal ko sakanya
Tinignan niya lang ako nung sinigawan ko siya hindi siya galit at walang emosyon muka niya hayssst kalakas nang tama nang taong to.
Saka bakit kuba kase to sinakay sa kotse ko pakealam kuba sakanya.
Haysst nandito na ituloy na may problema lang siguro to kaya ganto to puwes mamaya tangal nayan ako bahala sayo baby josh haha charot.
Ilang minuto lang ay naka rating na kami sa Mall hinila ko uli siya na parang bata ayun wala namang imik kaya hinila ko nalang talaga siya papunta sa paborito kong puntahan na kung saan ako masaya haha
Sa Starbucks pag kasi naka inom ako nang matamis o naka kain nang matamis ayun gumagaan pakiramdam ko saka naalala ko kase dito yung nang yari nun nung inagaw niya order ko.
Pag pasok ko naka tingin samin mga tao diko alam kung bakit.
Tinignan ko uli sila at di pala samin naka tingin kay josh lang demonyo ang gwapo nga pala nang kasama ko naka limutan ko.
Diko nalang sila pinansin mga ingetera sila haha feeling ko ang ganda ko ngayon haha charot.
Nag order nako at pinag hanap kuna nang upuan si Josh para hintayin yung order namin.
2 Coffeefrappe coffee jelly flavor and 2 Dark forest cake for mr. Lopez.
Agad kuyung kinuha at umupo na sa table na kung nasan si gangster.
Pag baba ko nang order nagulat ako at nilantakan agad yun ni gangster.
Pinabayaan ko nalang siyang kumain muka nga talagang may problema si gangster.
Josh pov...
Naka rating na kami sa Mall at parang wala talaga ako sa mood kaya di ako bumaba pero si ash hinila nanaman ako kaya pinabayaan ko nalang siyang hilahin ako.
Nagulat ako nang dalin niya ako sa Starbucks paborito kuto at dito ako nag pupunta pag may problema ako ewan bat dito ako dinala ni ash buti nalang dito niya ako dinala.
Hahaha share kulang. Pag pasok namin nakita kong naka tingin samin yung mga babae pero diko nalang pinansin yun alam kong nakita din ni ash yun pero di niya pinansin ka gwapo ko kase ehh haha.
Nag lakad nako at nag hanap nang uupuan at nung may nahanap ako ay naupo nako dun at tumingin kay ash na naka tingin din sakin habang nag hihintay ng order.
Di nag tagal nakita ko si ash na bitbit na yung order kaya pag baba niya nun nilantakan ko agad yun hehe I love sweet gumagaan kase pakiramdam ko pag kumakain ako nang matamis.
Nakita kong naka tingin sakin si Ash diko nalang pinansin kumain nalang ako nang kumain.
So ayun sobrang boring na talaga kaya pagkatapos namin kumain naisipan kong pumunta sa park katulad nung huling time na kumain ako doon.
Oy asan susi mo pahiram nga? Bigla kong tanong kay ash
Ha saan ka naman pupunta? Takang tanong niya
Basta bigay mo nalang susi mo sama kaba? Pangaasar ko sakanya haha
Natural kotse kuyun bakit hindi sasama timang kaba? Kanina kapa napipika nako sayo.!! Ohh ayan!!!! Sigaw niya sabay abot din naman nung susi niya.
Ibibigay mudin naman pala aarte kapa.
Kanina wala ka sa mood ngayon kakapal nang muka mo ahh!! Galit na talagang saad niya haha
Haysst basta tara na.
Hinila ko na siya at kaarte arte pa kase. Pansin kulang parang nag palit kami nang mood haha pero mas malakas topak ko hehe
Pag dating namin sa kotse ni Ash sumakay na siya kaya agad din ako sumakay sa kotse niya at hinarurot kuyun haha.
Hoy!! bagalan munga san ba tayo pupunta? Bat nag aapura ka? Bagalan munga gusto kupa mabuhay!! Sigaw niya sakin na todo kapit
hahaha arte mo mag hintay ka malapit na makakarating na tayo dun pikit ka nalang.
Hay bahala ka nga siraulo ka talaga!! Sigaw niya uli haha
Di nag tagal nakarating na kami sa Park kung saan nadapa at nahimatay si Ash Oo dito ako pumupunta natutuwa kase ako pag nakaka kita nang bata.
Pag upo ko sa isang bench sa park umupo din si ash seryoso ang muka niya medyo malungkot na ewan poker face.
Ash ok kalang?
Ahh Oo ok lang ako ikaw okay kalang? Bakit dito tayo nag punta? Gusto mudin ba dito?
Oo Gusto ko dito masaya kase saka gusto kong nakakakita nang mga masasayang bata na walang problema puro laro at saya lang muna.
So ano na problema mo? Tanong uli ni ash
Sasabihin kuba? wala naman mawawala kung sabihin ko sakanya saka baka matulungan din ako neto.
Ash kase si mama iniisip ko. kagabi kase nag away sila ni papa at nalaman ko na mahal pa pala ni mama first love niya kaya ayun balak ko hanapin yung first love ni mama.
Ahh ganun ba? Kaloka naman. Pero bakit mo hinahanap first love nang mama mo?
Ahh kase ash gusto ko sanang malaman kung bakit ginugulo niya pa kami at lalo na si mama?
Ah ganun ba? Cge tutulungan kita hanapin yung first love nang mama mo pag katapos nang pasukan sa bakasyon hanapin natin 3 days nalang naman na at exam na tapos bakasyon na. Mahaba niyang litanya na nag pagaan ng nararamdaman ko.
Cge Ash asahan kuyan ahh Salamat. Saad ko at niyakap ko siya na parang wala akong nararamdamang ilang.
Ngayon lang ako nang karoon nang kaibigan na bakla.
Gangster ako pero diko akalain na mapapalapit ako sa baklang to. Salamat ash sana matulungan moko para kay mama...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Don't forget to follow,Vote and Comment.
You can also visit all my Social Media Accounts.
FB. Harold Garcia Bermejo
IG. bermejoharold
For other Business. roldbermejo@gmail.com
~~~