Ash pov...
Athisa bilisan mo malelate nako first day na first day ehhhh!
Hintayin muna ash saglit nalang naman tong kapatid mo.. pakiusap sakin ni manang.
Ehh manang napaka tagal ehh sya na nga lang makikisabay..
Kuya napaka arte mo saglit nga lang ehh. Isusumbong kita kay mama..
Edi isumbong mo kasi! Para kang magaling athisa!
Mama... si kuya ayaw akong isabay.. sumbong nya kay mama
Hintayin muna ash saglit lang naman. saka isang linggo lang naman sya makikisabay at wala pa driver nya.. pakiusap ni mama
Jusmiyo ma isang araw nga di kami mag kasundo isang linggo pa kaya.
Ma naman isang linggo eh katagal tagal nun bat di nyo pa kasi bilan nang sariling kotse para matuto na hindi yung nasasanay sa hatid hatid.
Bata pa sya ash dipa pwede. Ani mama habang inaayos ang buhok ni athisa
Haysst bahala kayo bilisan mo athisa wag kanang mag lagay nang kung ano ano.
Oo na kuya eto na nga ohhh.. aniya at nag lakad na pababa.
Cge na una nako sa kotse bilisan mo!
Nung nasa kotse nako ay di mawala sa isip ko kung ano mangyayare ngayong araw nato.
Diko lubos maiisip na Collage nako na parang dati elementary palang ako na walang alam kundi mag recess at makipag away.
Napaka swerte ko kase pinanganak akong may mayamang pamilyang kinamulatan di katulad nang iba na kailagan nilang kumayod para lamang may mapakain at maipa aral sa kanilang mga anak.
Kaya minsan pumapasok sa isip ko pano kung mahirap kami? Pano kung wala ako nang mga lahat nang to na meron ako ngayon?
Kaya nag papasalamat ako sa magulang ko kase hindi nila hinayaang maranasan ko yung mga bagay nayon.
Kuya open the Door! Saad nya sabay katok sa salamin ng kotse na nag pabalik sakin sa uliran
Binuksan kuyun at sumakay sya sa passenger seat.
Kuya you okay? Tanong nyang mukang seryoso.
Hmm Excited?
Kuya dimo naman sinagot tanong ko ehh..
Ahh Oo okay lang ako..
Ehh bakit naka tulala ka kanina?
Ahh ehh may iniisip lang ako.
Sino naman kuya? Yung Crush mo?
Haysst napaka daming tanong!
Hmm Oo den.
Btw kuya balita ko sa School natin mag aaral Crush mo. Exited niyang saad
Hmm Oo alam ko sinabi na sakin nang mga friend ko.
Ohh ano balak mo?
Hmm wala? Di naman kami parehas nang Course ehh.
Ahhh ganun? Sad naman kuya... Malungkot nyang saad
Haha Oo den ano arat na? Okay naba mga gamit mo?
Yes kuya let's go!
Tumango ako at nag drive na papuntang School pag katapos ng usapang Crush naming mag kapatid.
Oo close kaming mag kapatid at alam nya lahat tungkol sakin.
Kase kami lang naman ang mag kapatid kaya naman support namin ang isat isa pero madalas talagang mag away haha
kuya nakalimutan ko palang humingi nang baon kay mama... aniya habang nag hahalungkat nung bag nya at mukang wala nga.
Hmm kumuha ka nalang jan sa bag ko jan sa maliit na bulsa may wallet jan.
Yieeeh salamat kuya the best ka talaga...
Oo ikaw lang naman hindi ehh.
Neysst sinusupport nga kita sa crush mo ehh. aniya
Haha Oo na joke lang cge na kumuha kana at malapit na tayo.
Kuya ilan? 500?
300 lang wag kang masyadong mautak.
Haha Hige kuya salamat.
Ilang saglit lang at naka rating na kami sa School nila Athisa kaya naman pinababa ko na sya.
Kuya salamat ahhh labyou... sigaw nya habang tumatakbo palayo.
Gege pakabait ka ahh labyou too.. sigaw kudin sakanya at nag drive na
pagkatapos nun ay dumiretso nako sa School ko dahil medyo late nako.
Pag dating ko sa School ay agad kudin pinark yung kotse ko at kumaripas na papuntang building namin at umakyat sa Second Floor.
Pero pag akyat ko sa hagdan sa Second floor ay nagulat ako nang may humila nang bag ko na siyang naging dahilan kung bakit ako nahulog sa hagdanan.
Arayyy naman sino kaba apaka yabang mo nam... naputol ang galit ko ng makita ko kung sino yung dahilan kung bakit naka salpak ako.
Ohhh I'm sorry malelate na kasi ako ehh okay kalang ba? Aniya na mukang nag aalala habang hawak ang kamay ko
Habang sinasabi nya yun ay para akong nasa langit.
nawala yung sakit nang pwet ko na kahit gumulong pa uli ako pababang first floor okay lang.
Oyyy kako okay kalang ba? Saad niyang muli
Ahh..O..o okay lang a..ko... utal utal kong saad habang naka tulala at mukang tutulo na ang laway.
Kung ganun una nako ahh.. late na talaga ako eh sorry ulit. Aniya at tumakbo na palayo sakin.
Habang papalayo sya sakin ay diko maalis yung tingin ko sakanya.
Habang kinakausap nya ako kanina ay diko maalis yung tingin ko sa labi nya na sya nyang kinakagat kagat habang nag kakamot sa ulo.
Oo tama kayo siya nga yung Crush ko yung matagal kunang pinag papantasyahan.
Sya si Shawn Josh Mendez.
Matangkad siya na makikita mo sa suot nyang pants na fitted.
Polo niyang putok na dahil medyo malaki yung katawan nya saka yung braso nya.
Tapos yung buhok niyang bagsak na parang laging basa na mas lalong nag papa gwapo sakanya.
Yung lips niyang mapula na lagi niyang kinakagat at yung ilong niyang ang tangos na may guhit pa sa baba na sobrang nakaka akit.
Napaka perfect kung tutuusin kase ang tali talino padaw nya.
Bagay na bagay kami...
Ohhh anong ginagawa mujan mister?
Ahhh maam Mr.Lopez po Hmm nahulog lang po ako sakanya.
Ano bang nahulog Mr.Lopez? Takang tanong muli ni maam
Ahhh ako po pala nahulog sa hagdan haha.
Ahh ganun ba? Okay kalang ba? Kaya mubang tumayo? Pag aalala nya
Ahh opo kaya ko naman po una napo ako maam. Saad at tumayo at akmang aalis na sana..
Wait anong room ka pupunta? Pigil niyang sigaw sakin
Hmm AD 202 po maam bakit po?
Ohh buti naman tulungan moko ako first subject nyo. Ngiti ngiti niyang saad haysst napag bitbit pa.
Ahh haha sige po maam. Ano panga bang magagawa ko haysst
Tinulungan kong buhatin yung mga dala dala ni maam at umakyat na kami sa Room AD 202.
Pag dating namin dun ay napansin kong andun na yung mga kaibigan kong malalantod kaya naman nilapag kuna yung mga bitbit ko at umupo na sa tabi nila.
Oyy bakla bakit mo kasabay yung gurang nayan? Saad nung fuend kong malande.
Haha eh naabutan nya kase ako sa hagdan na naka tunganga. Naka ngisi kong sagot sakanya
Ah eh bakit nasa hagdan ka at naka tunganga nag aabang nang biyaya sis? Saad mula ni Rafaella
Haha hindi baliw nahulog kase ako sa hagdan buti nalang may sumalo sakin
Weh sino naman?
Hindi kayo maniniwala pag sinabi ko kung sino.
Ehhh sino nga? Iritang tanong ni rafaella
Hmm si josh. Bulong ko sakanya
Ahh eh dinga totoo nananaginip kalang bakla ka. Aniya sabay tawa tulad din ni Allaine at limuella.
Nehhh Oo nga para kayong tanga. Kumbinsi ko sa mga bakla
Bakla wag kami day dreaming ka! hibang kana sakanya at alam namim yun. Ani limyella
Hay bahala kayo mga ingit lang kayo.
Bat naman kami maiingit aber? Ani rafaellang ingetera haha
Kase sweet sakin si josh haha.
Ay hibang kana talaga bakla! Panong magiging sweet sayo yun... Ani Rafaella
Ehh sinalo nya nga ako tapos nag alala pa sya sakin kung okay lang daw ba ako?
Bahala ka bakla nahihibang kalang habang maaga tigil mo nayan baka mabaliw kalang. Ani rafaella
Che mga epal kayo. Saad ko sabay irap sa mga baklang yun
Hay nako sabi na di maniniwala mga baklang to ehh haha hibang na nga siguro ako kay josh haha kahit sino naman mahihibang pag naka harap mo yung Crush mong napaka sarap.
Habang nag kaklase ay wala akong magawa at boring na boring kaya naman nag cellphone nalang ako.
Mr.Lopez ano yang ginagawa mo? Tanong ni Maam Moondragon.
Ah maam wala po tinignan kulang kung mahalaga yung message na nag text sakin maam. Palusot ko sakanya
Ohh ano mahalaga ba?
Hmm di naman po kaya itatago kuna.
Mabuti naman Mr.lopez lika dito sa harap para may magawa ka. Anyaya niya sakin kaya wala akong nagawa at tumayo nalang
Hahah ayan go bakla puro ka kasi landi. Asar sakin ni rafaella
Haha sorry nalang kayo mga sis alam kuyan basic. Pag mamayabang ko kila bakla
Haha cge nga bakla parang magaling.. ani limuella
Mga sis watch and learn. Pag mamayabang kong saad sakanila
Rumampa ako at nag punta sa harap sabay kuha nang chalk sa kamay ni maam.
Duhh basic Chemical Equation haha... Agad kuyun sinagutan dahil madali lang talaga
Pagkatapos kong sagutan yon ay agad din naman chineck ni maam kaya nagulat ang mga bakla nang tumama yun.
Verry Good Mr.Lopez.. Papuri nya sakin na pumapalakpak pa.
Thank you maam. Tugon ko sabay talikod
Sabay rampa papunta sa mga kaibigan kong bakla.
Ayyy taray kala namin puro landi kalang ehh.. ani rafaella
haha Sorry kayo hindi naman rafaella,Allaine at limuella pangalan ko para puro landi lang haha.
Ayy taray edi ikaw na... Ani rafaella na umirap pa
Hahaha talaga namang ako ehh.
Ilang sandali lang ay natapos na ang klase kaya naman minabuti ko munang lumabas at mag meryenda sa Cafeteria.
Oyyy bakla san ka pupunta? Tanong ni Rafaella
Hmm Cafeteria sama kayo?
Go akis.. ani rafaella
Akis din. Sunod nung dalawang bakla
Haha arat na garod. Yaya ko sakanila at nag lakad na papuntang cafeteria
Pag dating namin sa Cafeteria nagulat kami kase ang gulo gulo kaya naman naki usisa na kami kung bakit.
Kaya naman naki usisa narin ako.
Pag kakita ko kung ano yung pinag kaka guluhan nila ay agad akong naasar kase ang daming babaeng naka paligid sakanya.
Oo si josh nga pinag kakaguluhan nang mga babae at bakla kaya naman lumapit kami dung apat at pinag tataboy yung makikiri at mahaharot na bakla at babae.
Hoyyyyy..... ani rafaella
Mga makikiri.... wala kayo sa concert. Aniya ulit haha
Nag si tahimikan naman yung mga yun at ang sama nang tingin kay bakla na gusto na syang patayin.
Oy bakla arat na okay nayun natahimik naman na sila ehh. Saway ni limuella sakanya
Hindi bakla wait lang bibigyan kulang nang leksyon tong mga toh.. ayaw nya talaga mag paawat.
Nagulat ako nung nag lakad siya papuntang table at kumuha nang isang basong tubig si bakla at sinaboy nya yun sa mga babae at baklang magugulo.
Ayyyy... yuckkk ano bayan radiri.
Sino bayan apaka yabang feeling maganda ang panget panget namang bakla.
Kaya nga... bulungan nung nga nasa paligid haha
Ayan maligo kayo ang kakati nyo... ani rafaella
Wow ahh parang ikaw hindi muka kangang higad na mataba.. patol nung isang bakla sakanya na nag pupunas ng muka
Ahh talaga ba? Aalis ka o ilalampaso ko muka mo sa sahig. Takot ni rafaella sa baklang yun
Nakita kong nag bulungan yung kumpol nayun at nag alisan nadin naman na mukang natakot talaga kay baklang rafaella haha.
Tinignan ko naman si josh na naka ngisi habang kinakagat kagat yung labi nya haha ang sarap nya ay ang Cute pala.
Haha taray mudun bakla ahh ano pala kakainin nyo? Tanong ni Limuella sakanya
Bat ka nag tatanong treat muba? Singhal sakanya ni rafaella
Haha wag mokong tarayan bakla papatulan kita. Singhal din sakanya ni limuella
Ahh hehe di kanaman mabiro. Ikaw ano sayo kami na mag order umupo kana dun.
Hmm kung ano nalang din sayo yun nalang akin. Ani limuella
Ikaw Ash? Ano sayo? Tanong sakin ni bakla na mukang nahimasmasan na.
Hmm Isang strawberry Cheese cake tapos isang pink milk.
Hmm cge Ash hanap kana upuan natin kami na bahala wait niyo nalang kami. Ani rafaella at hinila si allaine papunta sa pila
Habang nag oorder yung bakla ay nag hanap nako nang uupuan pero wala nang ibang ibang uupuan maliban dun sa katabing bangko nila josh kaya naman dun nako na upo at naupo nadin sa tabi ko limuella na nasa likod ko pala kanina.
Habang nag hihintay ako sa mga bakla ay diko maiwasang tumingin sa table kung nasan sila josh at yung barkada nya.
At kung minamalas ka nga naman Oo nakita ata ako nang barkada ni josh.
Josh pov...
Pre tingin nang tingin sayo yun ohh... ani Bryan sakin sabay turo kung saan
Ha sino? Asan? Diko makita yung tinuturo nya
Yun ohh yung cute na kasama nung mga bakla kanina yung nag palayas sa mga fans mo. Aniya ulit at hinanap ko kung sino tinutukoy niya
Hinanap ko yung tinuturo nya at nung makita ko kung sino yun ay medyo naalala ko siya familiar.
Ahh yun ba? Oo cute nga sya.
Pre kunin mo naman number ohh mukang bet ka ehh. Ani bryan sakin
Haha ano kapalit?
libre ko alak mamaya inom tayo sa bar namin. Saad nya kaya naman agad nag ring ang tengga ko haha
O sige deal pag yan scam ahh patay ka sakin.
Haha dito scam pre go na kunin muna. Hila niya sakin at tumayo na.
Wala akong nagawa kundi kunin yun sayang din yung inom nayun pampatulog mamaya haha.
Nag lakad ako papunta dun sa table kung asan yung cute na sinasabi ni Bryan.
At pag dating ko sa table nayun ay nag titilian yung mga bakla kaibigan nya ata haha.
Hi I'm Shawn Josh Mendez. Saad ko sabay lahad ng kamay
Oyy bakla si josh ohhh hi daw... eka nung isa sa mga friend nya
Nangangawit na kamay ni pogi ohh ash. Saad nung katabi nya
Dinudungol dungol nung tatlo yung cute na naka upo at naka tulala sakin haha.
Ahhh Hehe...hello I'm Ash. Aniya sabay kuha nung kamay ko
Ohhh ash ikaw yata yung nahulog sa hagdan kanina ahh yung nakasabay ko.
Oyy ash akala ba namin sinalo ka nya? Tanong nung isang bakla
Che epal kayo Oo sinalo nya nga ako dun nga muna kayo ako muna bahala dito. Bulong nya sa mga yun na narinig ko naman.
Pansin kong nag bubulungan sila kaya naman napa ngisi nalang ako.
Ahhh Oo ako nga yun okay lang naman ako. Cute niyang saad
Ahh ganun ba? Btw can we be friends?
Nang sabihin kuyun ay kita kong nagulat siya di maka paniwala.
Oyy Ash pwede daw bang makipag kaibigan? Saad nung isang bakla
Mga bakla naman naiintindihan ko naman. Singhal niya sa mga yun haha
Nag bubulungan sila pero naririnig kuyun kaya naman ngisi ngisi nalang ako habang tinitignan si ash na namumula at hiyang hiya haha ang Cute nga niya tama si Bryan.
Ano? Okay lang ba? Tanong ko kasi mukang wala siya sa uliran.
Haha Oo.. O..okay lang. Utal niyang saad
Ahh ganun salamat ahh pwede kubang makuha number mo?
Ash! number mudaw!... sigaw sakanya nung isang makulit kanina pa
Bakla Oo narinig ko di ako bingi! Singhal nya haha
Pansin kong naaasar sya sa mga kaibigan nya haha. Pinaalis nya na pero di padin umalis haha
Hmm Eto ohh 0997-560-8193. Bigay niya sa number nya kaya naman agad kong dinail yun.
Ahh Cge salamat ahh cge punta nako sa mga kaibigan ko.
Tumango siya kaya naman nag lakad nako papuntang table namin kung nasan mga barkada kong gago.
Nang nilingon ko yung mag kakaibigan ay pinipikon nila yung cute na si ash pero wala tulala lang yun.
Pag dating ko sa lamesa kung asan si bryan ay agad nya din kinuha yung cellphone ko at kinuha yung number ni ash.
Oy mamaya ahh pag wala lang bubugbugin kita. Takot ko kay Bryan
Haha Oo pre. Aniya at muka namang seryoso
Pag ka kuhang pag kakuha niya nung number ay agad niya ding binalik sakin yung cellphone ko.
At pag tingin ko sa cellphone ko ay andun pa yung number kaya naman sinave ko nadin yun.
09975608193 CUTIE ACTIVE NUMBER.
Ash pov...
Oy bakla okay kalang ba? Ani rafaella sakin
Para kang narape eh di kanga sinalat! Aniya ulit
Inalog alog ako nung tatlo kaya naman tuluyan nako natauhan at nagising sa kahibangan ko.
Ano ba tigilan niyo nga ako! Singhal kong kumyari sakanila haha
Wow taray napansin lang nung crush niya ang sunget na. Ani rafaella
Ehh ang kukulit nyo kaya! Singhal ko ulit
O sige na sorry na ateng maganda at mahaba ang hair patawarin nyo po kami. Kautuang saad ni rafaella sa harap ko
Ano bakla nag text naba baby josh? Singit ni limuella
Kaya agad kudin tinignan cellphone ko pagkasabi ni limuella nun at may nag text nga kaya binasa kuyun agad agad.
From unknown mumber.
Hi ang cute mo pwede bang makipag kaibigan ako nga pala yung kaibigan ni josh. I'm bryan
Pagkatapos kong basahin yun ay bigla akong nawalan nang gana na akala ko mapapalapit nako sa crush ko pero di pala.
Pinamigay niya yung number ko sa friend niya or kinuha? Inutusan?
Oyy bakla ano? Pahingi naman nung number. Ani Rafaella
Kaya naman sinulat ko yung number na nag text sakin at binigay yun sakanila at umalis nang sa cafeteria.
Oyy bakla san ka pupunta? Pano tong pagkain sino mag babayad? Sigaw sakin ni rafaella
Kayo munang bahala may pupuntahan lang ako. Sigaw ko at nag lakad na palayo
Tuluyan kong nilisan ang Cafeteria nang naka simangot at wala sa mood.
habang nag lalakad ako papuntang parking lot ay nagulat ako kase may nag text uli kaya tinignan kuyun.
From unknown number.
Sorry pinakuha nang friend ko number mo eh sinunod kulang wag kanang malungkot nawawala cute mo eh ngiti kana.
Alam ko kung kanino galing yung mesagge nayun kaya naman agad din nag init ang pisngi ko nung mga oras nayun.
Pinakuha nga nung friend niya yung number ko pero okay na abswelto kana baby josh haha.
Hinanap ko agad kung asan si josh at nakita ko siyang nasa likuran ko kagat kagat yung labi nya habang nag kakamot nang ulo kasama yung mga kaibigan nya pero medyo malayo naman sakin.
Done Chapter 1.
Dont Forget to Follow,Vote and Comment
And you can also Visit my Social Media Accounts.
FB. Jacklord Dreame WP
Dreame: jacklord0623
For other business. roldbermejo@gmail.com