“Naligaw ka yata, Sam?” tanong niya sa matalik niyang kaibigan. Buo na ulit ang tiwala niya rito dahil nasubukan niya na kung hanggang saan ang katapatan nito sa kaniya. Ito rin ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon dahil dinala siya nito sa ospital no'ng mga panahon na kinalaban niya ang mga taong nagpalaki sa kanila. Hindi na kasi niya nagugustuhan ang pamamalakad ng mga ito kaya nagdesisyon siya na tapusin ang buhay ng mga kinikilala niyang magulang kahit alam niyang delikado. Kung hindi niya kasi iyon gagawin ay tiyak na marami pang kabataan ang tuturuan nito ng masama para mas lalo pang yumaman. Sa huli ay napatay niya ang mga ito pero nalagay naman sa bingit ng kamatayan ang buhay niya. “Dumaan lang kami para kumustahin ka, Jai," sagot nito. “Bakit?” “Lilipad kami sa Au

